ABEL'S POV:
Nandito na naman kami ngayon ni Astrid sa kweba, gumagawa kami ng kung ano-ano na pwedeng magamit laban sa mga aswang.
Isang linggo din kaming hindi nagkita dahil naiilang kami sa nangyari. Pero tinapos ko ang pagkailang na 'yon ng umamin ako sa kanya na gusto ko na siya.
Hindi ko aakalain na makakahanap muli ako ng pangalawang pag ibig, hindi ko inaasahan na pareho pala kami ng nararamdaman.
"Astrid?" tawag ko sa kanya, abala siya sa paggawa ng langis pero magkatabi lang naman kami.
"bakit?" sagot niya.
"May nangyari na ba sayo?" tanong ko. May gusto kasi akong malaman kung bakit ganito siya parang hindi siya pangkariwang tao.
"Anong nangyari—aahhh! Oo no'ng bata ako nakagat ako ng aswang pero tinulungan ako ni tatang, dito niya ako dinala noon para gamutin." sagot niya.
"Nakagat ka ng aswang?" di ko makapaniwalang tanong.
"Oo." Kung nakagat siya ng aswang 'yon kaya ang dahilan kaya nakakakita siya sa gabi at sobrang bilis din niya kung kumilos?... O baka may lahi talaga siyang aswang, pero dapat may pangil din siya, pero dapat nag iiba din siya ng anyo, pero dapat nauuhaw din siya sa dugo at kumakain ng hilaw na karne.
"Akala ko nga di na ako mabubuhay noon e, kasi ang daming dugo na daw ang nawala sa'kin kwento ni tatang, pero buti na lang magaling siya na ermitanyo kaya ayon nabuhay pa ako... Pero alam mo ba? Paggising ko iba na ang pakiramdam ko sobrang lakas ko na tapos may mga bagay na akong nagagawa na hindi ko nagagawa noong una, Tinanong ko si tatang noon kung bakit ako naging gano'n, sabi niya malalaman ko din lahat ng 'yon sa takdang panahon." Kwento niya.
Kung gano'n si tatang ang may gawa nito, kung bakit siya naging ganito. 'Yung nakita ko noon tungkol sa dugo niya. Hindi kaya? Imposible hindi Magagawa ni tatang 'yon, hindi niya isasakripisyo ang buhay ng isa para sa nakararami.
"Astrid?" tawag ko ulit sa kanya kaya napatingin naman siya.
"Ipangako mo sa'kin na kahit anong mangyari iwasan mong magkasugat lalo na pag nakikipaglaban tayo sa aswang, gawin mo ang lahat wag ka lang nila masugatan." saad ko.
"Ha? Hindi ko yata maiiwasan 'yan, lalo na aswang ang kalaban natin.. Bakit bigla mo na.lang nasabi 'yan?" nagtataka siya sa mga sinabi ko.
"Basta kahit anong mangyari wag na wag mong hayaan na masugatan ka, kung di man talaga maiiwasan talian mo agad ang sugat mo.. Dahil ayaw kong nakikita na nasasaktan ka." Pagdadahilan ko, ayaw kong mag isip siya ng iba. Hangga't wala pa akong sagot sa katanungan ko hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya.
"Ikaw naman... Hindi ko akalain na ganyan ka pala mag alala. Wag kang mag alala mag iingat ako para hindi ako masugatan." Sagot niya kaya niyakap ko siya.
Siya na ang kumalas sa yakapan namin "Sana mahanap na natin agad ang pinuno ng mga aswang para matapos na ang lahat ng ito, para bumalik na sa dati ang lahat." dagdag niya.
"Hindi gano'n kadali 'yon dahil bago ka makarating sa pinaka pinuno dadaan ka muna sa mga alagad niya, kaya paswertehan na lang kung makarating ka pa sa kanya ng buo o buhay." paliwanag ko.
"Kung mangyari man 'yon na hindi tayo mag tagumpay alam natin na may isisilang muli para wakasan ang paghahasik niya ng lagim.... Halikana hinihintay na tayo ng mga taga baryo." sabi niya at agad na tumayo.
Pagdating namin do'n ay nando'n na silang lahat sa kapilya.
"Sino 'yang kasama mo Astrid?" tanong ni aling Lucing 'yan daw ang pangalan niya sabi ni Astrid.

BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
TerrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.