CHAPTER: 1

559 22 0
                                    


ASTRID'S POV:

Habang papunta ako kay tatang ermitanyo ay nadaanan ko ang mga tsismosa ng aming baryo na nagkukumpulan sa tindahan ni aling Babeng.

"Astrid? Halika muna dito magmeryenda ka." Tawag sakin ni mang Andoy kaya lumapit ako sa kanila.

"Babeng bigyan mo nga ng maiinom itong si Astrid." sabi naman niya kay aling Babeng na agad naman akong inabutan ng softdrinks.

"Astrid totoo ba itong sinasabi ni Andoy na inaswang daw ang anak niya kagabi?" tanong ni aling Lucing.

"Opo aling Lucing." sagot ko.

"O diba totoo ang sinasabi ko sa inyo, tingnan niyo itong braso ni Astrid oh, puno ng sugat." Sabi naman ni mang Andoy at tinaas pa ang kamay ko.

"Nahuli mo naman ba ang aswang na 'yun Astrid?" tanong naman ni Aling Babeng.

"Opo, wag na po kayong mag alala hindi na mangangambala ang aswang na 'yun." sagot ko sa kanila.

"Diyos ko salamat naman kung ga'nun, pero alam naman natin na marami pa sila na gumagala dito sa baryo natin." singit naman ni mang Isko.

"Kung ako nga lang ang tatanungin mas gusto ko na iwan ang baryo natin, kaya lang di maiwan nitong asawa ko ang lupain namin." Saad naman ni aling Loling na asawa ni mang isko.

"Basta ako hindi ko iiwan ang baryo natin, dito na ako lumaki at dito na rin ako mamamatay!" buong tapang na sabi ni mang Andoy.

"Oo nga, at tsaka hangga't nandito si Astrid ligtas tayo, diba Astrid?" Ngumiti lang ako sa kanila dahil sa sinabi ni mang Andoy, dahil wala sa kanila ang atensyon ko kundi nasa taong nakatayo sa malaking puno na di kalayuan dito sa tindahan. Kanina pa siya nakatingin sa amin.

"MANG ANDOY!, MANG ISKO!, ALING BABENG!" sumisigaw habang tumatakbo ang papalapit na si mang Nestor.

"O Nestor, anong nangyari sayo bakit parang hinabol ka ng sampung aswang?" Nagtatakang tanong ni mang Andoy Ng makalapit ito sa amin.

"A-alam n-niyo...n-na b-ba...." Hindi ito makapag salita ng maayos dahil sa hingal.

"Ito softdrink uminom ka muna." Sabi ni Aling Lucing at inabot sa kanya ang inumin na agad naman niyang ininom.

"Alam niyo ba ang balita? Kalat na kalat na dito sa buong baryo, Na may tatlong inatake daw ng aswang sa kabilang baryo at lahat sila wala ng lamang loob." Patuloy niya ng mahimasmasan siya.

"Diyos ko, panginoon ko." Sabay na sabi ng lima at sabay na nag sign of the cross.

"Nakakatakot na talaga, sana wag silang umabot dito." kinakabahan na sabi ni aling Loling.

"Oo nga, o siya magsiuwi na kayo at ako'y maagang magsasara." ani aling Babeng, At nagligpit na para magsara ng tindahan.

"Sige, magsiuwi na tayo at magsara ng mga bahay natin, Mag ingat ka Astrid." Sabi ni mang Andoy. Tumango naman ako sa kanila bago sila nagsialisan.

Pinagmamasdan ko ang lalaki kung aalis din ba ito pero hindi.

Isang masiglang baryo ang lugar namin noon, nang hindi pa nagsilipana ang mga aswang. Kahit isa sa amin ay hindi alam kung saan sila galing basta isang araw lumitaw nalang sila dito at ginulo ang mapayapa naming baryo.

Nagsimula na akong lumakad pero hindi pa man ako nakakalayo naramdaman ko na sinusundan niya ako.

Binilisan ko ang paglalakad at nilingon ko siya pero sumusunod pa rin siya, kaya tumakbo na ako at nang makita kong may likuan na daan ay lumiko ako at nang hindi niya na ako matanaw ay agad akong nagtago sa isang puno.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon