SOMEONE'S POV:'Swerte!' sabi ko nang makita ang isang usa na kumakain ng damo.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nito pero sa kasamaang palad ay may natapakan akong patay na sanga ng kahoy kaya naagaw ko ang pansin nito.
Tumakbo kaagad ito ng mapansin ako kaya hinabol ko siya pero kung minamalas ka nga naman, napagod na nga ako kakatakbo hindi ko pa rin ito nahuli.
Umupo ako saglit sa isang punong kahoy para magpahinga, Hindi ko alam na nakaidlip pala ako, nagising lang ako dahil may naririnig akong ingay ng mga tao kaya hinanap ko 'yon, Tama nga ako. Baryo na pala itong napuntahan ko.
Nagtago ako sa damuhan para tingnan kung ano ang ginagawa nila, abala ang mga ito na tila may pinaghahandaan.
'Ang kabilugan ng buwan.
Napatakbo ako ng makita ako ng isang babae, ang akala ko ay hindi siya hahabol pero mali pala ako dahil kahit nakarating na ako ng kakahuyan ay nakasunod pa rin siya.
Mabilis ako nagtago at pinaglaruan siya, takbo ako ng takbo para lituhin siya pero hindi ko aakalain na malalaman niya kung nasaan ako.
Takbo na naman ako ng takbo pero naisip ko na dalhin siya kung nasaan ang mga patibong na nilagay ko. Noong una ay nabitay siya patiwarik pero agad niyang naputol ang baging na nakatali sa paa niya.
Tumakbo na naman ako ng makababa siya, kakaibang klase ang babaeng ito dahil kahit ang pangalawang patibong ko ay naiwasan niya at hindi ko aakalain na mahuhuli niya ako.
"Sino ka? At anong ginagawa mo sa baryo namin?" tanong niya. Hindi ako sumagot umatras lang ako ng umatras.
"Tumigil ka kung ayaw mong humiwalay 'yang leeg mo sa katawan mo." pagbabanta niya, tamang tama naman na nakalabas na ako sa lambat. Tumingala ako sa taas, Gaya ng inaasahan ko tumingala din siya kaya nakahanap ako ng tyempo na maputol ang tali ng bato na nasa taas para pumaibabaw ang lambat.
"HOY! IBABA MO AKO DITO!" sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin, tumalikod na ako para umalis pero napahinto ako nang nasa harapan ko na siya. Ibang klasi talaga ang babaeng 'to.
"Isang hakbang mo pa butas 'yang leeg mo." galit na sabi niya habang nasa leeg ko ang kutsilyo niya.
'Palaban siya at mukhang walang kinakatakutan.
"Hindi ka aswang diba? kaya bakit ka nagmamasid sa baryo namin habang nagtatago sa damuhan?" tanong niya.
"Hindi ba pwede napadaan lang." pabalang na sagot ko. Diniinan niya pa ang kutsilyo, Alam kong dumugo na ito dahil may nararamdaman ako na umaagos.
"Napadaan habang nagtatago? Niloloko mo ba ako?" bwelta niya.
"Ang totoo hinahabol ko lang ang usa kanina nangangaso kasi ako. Tapos hindi ko alam na do'n siya papunta malapit sa baryo niyo, tapos ay nakita kong abala ang mga tao do'n sa kung ano man ang ginagawa nila.. Kaya nagtago ako para malaman kung ano 'yong ginagawa niyo at paalis na dapat ako nang makita mo ako." sagot ko. Tiningnan niya ako ng makahulugan sinusuri niya siguro kong nagsasabi ako ng totoo.
Tinanggal niya na ang kutsilyo sa leeg ko. "Bakit ang daming patibong dito?" Nagtataka niyang tanong.
"Kailangan ko pa ba sagutin 'yan? Hindi mo na ito teritoryo." sagot ko na patanong din kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Oo na, sasagutin ko na. Patibong 'yan sa mga hayop, masaya kana ba sa sagot ko, Pwede na ba ako umalis?" saad ko at hinayaan nga niya akong umalis.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.