CHAPTER 19

153 1 0
                                    


"You're late. Pinadala na namin sila sa probinsya and by tonight dadaong na ang barko na sinasakyan nila." Orly said. "So, where's the President?"

"Gaya ng sabi ko. Kapag pinakawalan niyo lang sila."

"Fine. But do you think hindi namin mahahanap ang Pangulo? C'mon Astrid. You know what we are, it's just a matter of time mahahanap din namin ang Pangulo kahit sabihin mo man o hindi." sabi nito.

"Wag ka mag-alala Astrid, kami na ang bahala sa kanila. Babantayan namin ang pagdating nila." rinig ko na sabi ni Chief Espina sa maliit na earbud na suot ko.

Nasa probinsya na rin sila dahil do'n ko dinala ang Pangulo. Tinago ko ito sa kuweba para makasigurado ako na hindi ito makikita nila Brenda. At nagpa-iwan sila Chief at Dr. Mendez kasama ang buong pwersa ng kapulisan at mga sundalo para bantayan ang Pangulo at para maghanda na rin sa mga plano namin.

"Sandali." sabi ni Brenda. Pigil hininga ako dahil sa kaba. Parang may mga kabayo sa dibdib ko na nag-uunahan ng takbo dahil sa lakas ng kabog nito. Hindi niya naman siguro narinig ang sinabi ni Chief di ba? Lumapit ito sa'kin at inamoy-amoy ako nito mula leeg hanggang sa tiyan. "Ano ang ginawa mo sa pinagbubuntis mo? Bakit hindi ko na naaamoy?" Kahit nagtataka hindi ko 'yon pinakita sa kanya. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Akala ko narinig niya talaga si Chief at mabuti na lang din hindi niya napansin ang maliit na camera sa butones ng jacket ko.

Pero ano ang ibig niyang sabihin na hindi niya na naaamoy gayong nararamdaman ko pa naman ang bata sa sinapupunan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero masaya ako dahil hindi siya magagalaw ng mga hayop na 'to.

"Sayang. Masarap pa sana na pagkain 'yon para kay Jacob." Parang nang-aasar na sabi niya. Sa loob-loob ko gustong gusto ko na siyang patayin dito pa lang.

"Ikulong niyo na 'to at maghanda na tayo sa pag alis pabalik sa probinsya." utos nito sa dalawang aswang na may hawak sa'kin kanina tapos sabay na sila nagsi-alisan lahat.

"Wooaaahh! Hindi ako do'n nakahinga kanina ah. Akala ko narinig niya ako." saad ni Chief. "By the way Astrid, pinalaglag mo ba ang bata?" gusto ko ito sagutin pero hindi pwede dahil kasama ko pa ang dalawang aswang na magdadala sa'kin sa kung saan nila ako ikukulong.

"Sir, wag niyo na muna kausapin si Astrid baka this time may makarinig na sayo na aswang at baka masira pa ang mga plano natin." boses 'yon ni Dr. Mendez. Pagka-sabi niya no'n wala na ako narinig na kahit anong ingay mula sa kabilang linya.

Huminto kami sa isang kwarto. Pag-bukas ng isa sa pinto tinulak naman ako nitong isa papasok. Pagkatapos sinarado na ng mga ito ang pinto at ni-lock sa labas.

Pabalik-balik ako ng lakad sa maliit na kwarto na ito dahil naisip ko kung ililigtas nila Chief sila Ninang baka makahalata ang mga aswang at masira ang mga plano namin. Hindi pwede 'yon. Hindi pwedeng masira ang plano dahil gaya ng sabi ni Tatang ito na ang huli kong pagkakataon.

"Astrid, nahihilo na ako kakatingin sa camera mo. Baka pwede huminto ka na?" May pagka-irita na sabi ni Chief.

Tama! Nakalimutan ko may camera pala ako. Isususlat ko na lang ang sasabihin ko. Hindi ako pwede magsalita dahil baka may nakabantay sa labas at baka marinig ako. At wala na ako maisip na pang-sulat kung di ang dugo ko. Sana lang hindi nila maamoy.

Kinagat ko na ang hintuturo ko at pinadugo na ito. Magsusulat na sana ako sa pader ng biglang bumukas ang pintuan.

Dahil nakatalikod ako sinisipsip ko muna ang konting dugo na lumabas sa daliri ko bago ako humarap. "Wha—" hindi na ako nakapagsalita. Parang nawalan ako ng sasabihin dahil sa kaharap ko ngayon.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon