CHAPTER 28

228 8 1
                                    

"Anak? Kausapin mo kaya si Alecx, hindi ko alam kung ano ang problema niya.. Laging mainit ang ulo tapos minsan lasing, nag aalala na ako sa kanya." Nanay said.

"Sige po ako na ang bahalang kumausap sa kanya." I replied.

Pareho kaming clueless kung ano ang problema ni Alecx, pero hindi ko na dapat isipin yun dahil alam kong lahat palabas lang. We really don't have any idea kung ano talaga ang problema ng lalaking 'yun.

Parang sasabog na ang utak ko sa dami ko nang iniisip, dumagdag pa yung misteryong lalaki na tumulong sakin at sa tuwing naalala ko yun bigla nalang pumapasok sa isip ko ang asawa ko.

How i wish na nandito siya para sabay naming mapuksa ang kadilim...  Pero pinapangako ko sa puntod na itinirik ko para sa kanya na tatapusin ko ang laban na 'to hanggang sa huling hininga ko.

'What's up bestfriend?' Sabi agad ni Cal pagkasagot ng tawag ko.

"Cal? Diba wala naman akong schedule bukas? Pwede ba na hindi muna ako pumasok?" Tinawagan ko siya para magpaalam, dahil nga kakausapin ko si Alecx and i think kailangan ko ng mahabang oras para makausap ito ng maayos.

'Why? Is there something wrong?' Usisiro talaga 'to kahit kailan, Hindi kalang papasok something wrong agad.

"No.. I just wanted to rest." sagot ko.

'Oh okay, take your time.'

"Thankyou!" sagot ko at pinatay na ang tawag.

Hihintayin ko pa sana ang pag uwi ni Alecx pero masyadong malalim na ang gabi kaya natulog na ako.

'Bukas ko nalang siya kakausapin.

Maaga ako nagising para makausap si Alecx pero anak siya ng tatay niya hindi umuwi ang loko.

Ano ba talaga ang problema nun? hindi naman namin binanggit sa kanya ang tungkol sa inalok na bahay ni Cal, kaya nakakapagtaka kung bakit bigla siyang nagbago. Maybe this is part of his game.

"Excuse me? Nandiyan ba si Alecx?" Tanong ko sa isang pulis na nasa front desk.

"Oh! Model po kayo diba?" Imbis na sagutin nito ang tanong ko, tinanong din ako. Hanep!

Tumango ako sa tanong niya. "Pwede po magpapicture?"

"Sure." sagot ko. Pagkatapos nitong magpapicture sumunod naman ang ibang pulis na nakakita sakin.

"So, nandiyan po ba si Alecx?" Tanong ko ulit ng matapos silang lahat magpapicture.

"Pasensya na ma'am pero wala dito si sarhento, may operation si- Oh andiyan na pala siya." Turo nito sa kakapasok lang na si Alecx.

Nagulat naman ito ng makita ako. Lumapit kaagad ako sa kanya dahil, para siyang naistatwa sa kinatatayuan niya.

"Alecx can we talk?" Tanong ko pero imbis na sagutin ako ay naglakad ito palabas, kaya sinundan ko nalang siya.

"What are you doing here? Wala kabang pasok?" Cold na tanong niya.

"Wala nagday off ako... Uhmmm nag aalala kasi si nanay sayo dahil minsan ka nalang umuuwi...May problema kaba?" saad ko.

Bakit parang nangangayayat siya at sa ilang linggo na hindi ko siya nakikita mukhang nagbago ang mukha niya, parang ang laki ng problema na dinadala niya.

'No, no Astrid wag kang maniwala sa mga nakikita mo dahil isa lang yan sa mga patibong niya.

"Tell her that I'm fine.... I'm okay, i don't have any problem." saad niya at tumalikod na para umalis pero hinawakan ko ang kamay niya.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon