CHAPTER 35

293 8 0
                                    

ALECX'S POV:

May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin maipapaliwanag. Katulad ng mga aswang hindi natin alam kung saan sila nanggaling at kung bakit lumitaw na lang sila bigla dito sa mundo natin.

Sometimes the person that crossed our paths is not meant to be for us, like Astrid. I love her but i don't know if she feel the same. I don't know if her feelings were true nung nagconfess siya sa'kin na mahal niya rin, but i absolutely knew why she did that.

I'm a police officer pero hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko dahil nakatuon lang ako sa isang direksyon, ang paghuli sa mga kriminal.

Sinundan ko ng tingin ang papalayo na si Astrid, after namin mag-usap umalis na agad siya dahil marami pa daw siya kailangan gawin. Alam ko 'yon dahil hindi naman kami pumunta dito para magbakasyon, nandito kami para tapusin ang kadiliman na bumabalot sa mundo. Pero sa isiping magkasama sila ng asawa niya, it really breaks my heart.

Tumayo na ako dahil nagdidilim na ibig sabihin gabi na. Habang naglalakad papunta sa bahay ni Aling Babeng may napansin akong sumusunod sa'kin.

"Sino ka? Magpakita ka." Tawag ko sa kung sino man ito.

Nagulat ako nang lumabas nga sila, oo sila.

"Nay? Sheryll? Anong ginagawa niyo dito? Bakit nandito kayo?" Hindi sila pwedeng makita ni Astrid, dahil ang sabi niya sa'kin kapag nakita ko sila ni nanay dito ibig sabihin kaaway sila.

"Alecx anak, sumama kana sa'min ni Sheryll bumalik na tayo ng maynila, mapapahamak kalang dito." sabi ni nanay.

"Oo nga kuya, wala na tayong oras kaya halika na." sabi naman ni Sheryll at nagmamadali pa.

"Sandali, hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko." saad ko.

"Sasagutin namin 'yang tanong pero kailangan na muna natin umalis dito, kaya halika na." Sagot ni nanay at hinawakan ang kamay ko pero winaksi ko ang kamay niya.

"Bakit nagmamadali kayo? Natatakot ba kayo na makita kayo ni Caleeb dito or should i say ng kalahi niyo? Hindi ako aalis dito kailangan ako ni Astrid at kailangan na mawala ng mga aswang na 'yan dito bago pa nila masakop ang buong mundo." Mahalaga silang dalawa sa'kin. Simula no'ng tulungan ko sila hindi na iba ang tingin ko sa kanila, tinuring ko silang totoo kong pamilya kaya masakit sa'kin  na kumampi sila sa kalaban.

"Talaga bang pipiliin mo pa ang Astrid na 'yon kaysa sa'min ni nanay kuya? Simula no'ng dumating ang babaeng 'yon gumulo na ang buhay natin. Kasalanan niya 'to lahat." Galit na sabi ni Sheryll.

"Wag mong sisihin si Astrid dito Sheryll dahil wala siyang kasalanan. Kasalanan 'to ng Antonio na 'yon, ng mga aswang." bulyaw ko.

"Baka nakakalimutan mo kuya aswang din kami–"

"Tama na 'yan, tumigil na kayong dalawa. Alecx pakiusap kung mahalaga kami sayo umalis ka na dito, umalis na tayo dito." Pinutol nito ang sasabihin ni Sheryll.

Nakikita ko sa mga mata niya ang takot at pagka-lungkot. Nagkatinginan sila bigla ni Sheryll at parang biglang natakot. Parang may tinitingnan sila sa likuran ko, paglingon ko wala naman.

"We have no choice kuya, dahil mas pinipili mo ang babaeng 'yon over us. I'm sorry." sabi ni Sheryll tapos ay mabilis na tinakpan ang ilong ko ng isang panyo na may amoy. Sinubukan ko pang pumalag pero nawalan na ako ng lakas at nawalan ng malay.

"Nasaan ako? Anong klasing lugar 'to?" Lumapit ako sa salamin at pinagsusuntok ito. "Pakawalanan niyo ako dito!"

"Nay! Sheryll! Ilabas niyo ako dito!" Sigaw ko. Kahit anong sigaw ang gawin ko parang walang nakakarinig sa'kin.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon