ASTRID'S POV:
Habang nasa gitna kami ng kwentuhan ay naamoy ko na naman ang isang mabagsik na amoy ng langis na katulad sa amoy ng aswang na hinabol ko kanina.
'Nandito na naman siya.
Tumayo ako at nagpaalam saglit sa kanila pagkatapos ay sinundan ko ang amoy niya na nasa likod lang ng bahay.
Tiningnan ko ang paligid pero hindi ko siya makita, pero ang amoy niya nandito pa rin at mas lalo pa itong tumapang.
Napahawak ako ng mahigpit sa katana ko nang may humawak sa balikat ko. Nakahinga ako ng maluwag nang magsalita ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Si Abel lang pala.
Humarap ako sa kanya. "Wala... Tinitingnan ko lang ang paligid baka kasi may mga aswang na umaaligid." sagot ko. Hindi ko na ipapaalam sa kanya dahil ayaw ko na mag alala pa siya.
"Naaamoy mo naman sila diba?" Tanong na naman niya, kahit alam naman niya ang sagot.
"Oo.. Pero minsan hindi, kaya mabuti nang sigurado tayo." sagot ko.
" Sige, samahan na kita." usal niya.
"Hindi na, kaya ko naman na mag isa e... Bumalik ka na lang do'n, nakakahiya sa kanila kung pareho tayong wala." sabi ko habang nakangiti dahil ayaw ko na magduda siya sa kilos ko.
"Ikaw na lang ang bumalik do'n, Ako na.lang ang mag iikot." Pilit niya. Nahahalata niya kaya na may kakaiba sa'kin?
Hinawakan ko ang pisngi niya. "Alam mo naman na hindi ako sanay na umaasa sa iba diba?" Sabi ko na ikinaiba ng timpla ng mukha niya.
'May mali ba akong nasabi?
"Kaya ikaw na ang bumalik do'n, ayos lang naman ako... Tsaka hindi ka nakakakita sa dilim kaya mahihirapan ka lang. Hmmm." Hindi na ako mapalagay dahil nararamdaman ko na siya sa malapit kaya kailangan ko na itaboy si Abel kung hindi pa siya aalis.
"Sige, babalik na lang ako do'n pero sabihan mo agad ako kapag may naamoy o nakita ka ha?" Sabi niya na ikinahinga ko nang maluwag.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Pagkaalis na pagkaalis niya ay agad kong hinugot ang aking katana at nilapitan ang isang malaking puno, doon nanggagaling ang amoy niya.
Pero pagkalapit ko doon ay lumipat na naman ang amoy, kaya sinundan ko ito ng sinundan hindi ko namamalayan na napalayo na pala ako sa bahay.
Pagkatapos ay bigla na lang nawala ang amoy kaya napagdesisyunan ko na lang na bumalik. Siguro gusto niya lang ako paglaruan.
Pagdating ko sa bahay ay wala si Abel. "Nasaan po si Abel?" tanong ko sa mga tao dito.
"Nandiyan kana pala Astrid. Hinatid lang ang ninong mo dahil lasing na lasing na." Sagot ni ninang.
"Pero pinasundan ko na kay Nardo at Nestor, baka kasi hindi makauwi uwi dahil kay An—"
Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang may marinig kaming sumigaw. Noong una isang boses pa lang hanggang sa dalawang boses na ang sumisigaw. Kaya mabilis akong tumakbo papunta do'n sa pinanggalingan ng sigaw.
Tila tumigil ang mundo ko nang makita si Abel na duguan at ang kamay nito ay nakatagos sa katawan ni ninong.
'Anong nangyayari? At b-bakit?....
Lalapit sana siya sa amin pero natakot sila sa kanya kaya nagsitakbuhan sila.
Umiling ako. "Wag ka nang sumunod... Umuwi kana." 'Yan lang ang tanging nasabi ko at tinalikuran na siya.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
TerrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.