ALECX'S POV:
"Mga anak siguro mabuti kong aliwin natin si Astrid para hindi niya maalala ang buhay niya sa probinsyang pinanggalingan niya." Suggest ni nanay.
Nandito kaming tatlo sa kwarto ni Sheryll nag uusap about Astrid, naawa kasi kami sa kanya kanina no'ng makita namin ang mga piklat niya.
Kaya siguro siya nakipag sapalaran dito sa maynila ay dahil gusto niyang takasan ang buhay na meron siya do'n.
"Tsaka mas mabuti kung wag na natin pag usapan ang buhay probinsya kapag kaharap natin siya." dagdag niya.
"Kaya siguro hindi siya ngumingiti man lang at tsaka nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang sakit ng pinagdaanan niya." sagot ko. I pity her.
"Well you know about do'n sa pagsakal niya sa'kin, gigisingin ko lang naman sana siya dahil narinig ko na umiiyak siya at may binabanggit na name. I don't know lang kung sino dahil hindi ko naman masyado narinig." singit ni Sheryll. Sa wakas sumali na din siya sa usapan namin ni nanay.
"Kaya dapat tulungan natin siya na magsimula ng bagong buhay at makalimutan niya ang nakaraan niya. Paano kaya kung ipasyal mo na siya Alecx? Ano sa tingin mo nak?" Suggest ulit ni nanay. Mukhang agrabyado ako dito ah.
"Nay hindi pa ako pwede may trabaho pa ako, at tsaka bakit ako lang? Hindi ba kayo sasama ni Sheryll?" Nag iwas ng tingin ang kapatid ko. Ano kaya ang iniisip ng dalawang 'to.
"Busy ako sa trabaho nak, tapos sa weekends naman busy ako dito sa bahay." sagot ni nanay. Tiningnan ko naman si Sheryll at hinihintay ang sagot niya.
"Busy din ako sa school kuya... And may mga homework ako kapag weekends kaya di ako pwede." sagot niya. Diskumpyado ako sa mga sagot nila.
"Busy din naman ako. Pero bakit ako lang?" tanong ko pero tinulak na ako ni nanay palabas ng kwarto.
"Basta nextweek mag day off ka at ipasyal mo siya. Thankyou anak, good night." Pahabol nito bago sinara ang pintuan.
Hayst ano na namang kabaliwan kaya ang naiisip ng nanay at kapatid ko.
Nandito kami ngayon ni Astrid sa Luneta Park, gaya ng sabi ni nanay ipasyal ko daw siya. This is fucking awkward for Pete's sake.
Ayaw ko sanang pumayag pero pinapa konsensya ako ng dalawa.
"Wow! Ang ganda pala dito." Manghang sabi niya. Nakasunod lang ako sa likuran niya, parang bodyguard lang.
Gandang-ganda siya sa paligid at namamangha pero hindi ko pa rin siya nakita na ngumiti.
Busy siya sa pagtingin sa paligid kaya hindi niya napansin na may papadating na bisikleta at mababangga na siya nito, kaya agad ko siyang hinila palapit sa'kin.
Parang biglang nag slow mo ang paligid sa pagkadikit ng mga katawan namin, parang magkayakap lang kami. Nagkatinginan kami saglit at bigla din siyang lumayo.
'Nakakahiya!
"Pasensya na po." Hingi ng tawad ng batang may dala ng bisikleta. Pagkatapos ay agad na itong umalis.
Tiningnan ko si Astrid, hindi na siya nakagalaw sa kinatatayuan niya.
"Astrid gusto mo magbisikleta?" tanong ko sa kanya para mawala ang ilang namin dahil sa nangyari.
"Bi-sikleta? H-hindi ako marunong." sagot niya na parang nahihiya.
"Ako ang bahala sayo... Halika." Sabi ko at hinila siya papunta sa nirerentahan na mga bisikleta.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.