CALEEB'S POV:
"Sarado mo 'yan baka mapasukan ng langaw." Napatingin ako kay Bren dahil sa sinabi niya pagkatapos ay nagkunwari ako na di alam kung ano ang tinutukoy niya.
"I told you she has the face of being a top model. Ikaw kasi ayaw mong maniwala." he grinned.
Kailan ko sinabi na hindi ako naniniwala, ang sinabi ko lang naman ayaw ko sa kanya ah.
"Okay guys, let's start dahil kanina pa nababagot ang CEO natin." he added.
Bago nagstart ang pictorial kinausap muna niya kami. "Sa bawat palit niyo ng damit meron tayong ten shots, okay?" Tumango kami bilang sagot.
Pumwesto na kami sa gitna. Pero magkalayo kami kaya lumapit sa'min si Brenda para paglapitin kaming dalawa.
"Ano ba naman kayong dalawa, photoshoot ang gagawin natin be professional. Ayan magdikit kayo." Sabi niya habang nilalapit kami ni Astrid sa isa't isa.
"Mr. CEO diba ikaw ang nagsabi sa mga boys model natin na dapat lagyan ng feelings and be passionate..... Alam mo na rin 'yan diba? Kaya ikaw na ang magdala kay Astrid pwede ba 'yon? Para mabilis tayo matapos okay?" He said in annoying tone.
Kahit kailan talaga wala akong laban sa baklang 'to. " Yes po." magalang kunyari na sagot ko.
"Okay start na tayo, put your elbow in Astrid's shoulder." Sinunod ko ang sinabi niya.
"Astrid i want your fierce look, and you're left hand is on your side waist." sinunod din nito ang sinabi niya.
"Okay good!"
"Aha!"
"Nice!"
Puro salita lang ni Brenda ang tanging ingay na maririnig mo. Kami ni Astrid ay focus lang sa mga position namin.
"Cal sa likod ka ni Astrid and put your two hand in her neck, like kayakap mo siya." Dinilatan ko ito sa sinabi niya. Wtf! Yayakapin ko ang babaeng 'to? Baka magkalasog lasog ang katawan ko pag ginawa ko 'yon.
"What? May reklamo ka?" pagmamataray nito. Hindi yata nito makuha ang ibig kong sabihin. "No malice guys, unless may feelings kayo sa isa't isa." he murmured pero dinig na dinig naman namin. Kukutasan ko talaga mamaya ang baklang 'to.
Sinunod ko na lang ang gusto niya at dahan-dahan ko nilagay ang dalawang kamay ko sa leeg ni Astrid. Nag aalinlangan pa ako at pinapakiramdaman ang kilos niya dahil baka kinaumagahan ay nasa hospital na ako nito.
Iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng 'to, feeling ko nasa gitna ako ng kamatayan pag kasama ko siya..
I don't know why I feel this way, maybe because I saw how she fought and in her eyes she, she just seemed to have nothing to fear.Actually kanina ko pa nararamdaman na sa bawat pagdikit ng mga katawan namin ay para siyang nakukuryente dahil nabibigla siya. Maybe because she's not used to it yet.
"Okay put you're chin on her shoulder. Pagkatapos sa tiyan mo naman siya yakapin." turo na naman nito. Kaya ginawa ko na lang. "Put an effort guys, just think that your a couple."
"Okay that's good."
"Now Cal sit in the chair and you Astrid put your knee on his lap then put Caleeb's head on your chest. Parang nayayakap mo ang ulo niya." Sobra-sobra na talaga ang pinapagawa ng baklang 'to sa'min. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.
Pero lahat ng sinabi nito sinunod na lang namin. No malice nga daw just be a professional, kaya natapos din kami sa wakas.
Kanina pa ako hindi mapalagay at makaconcentrate e.. Nakakadistract kasi ang bagong look ni Astrid.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.