CHAPTER 21

182 1 0
                                    


"ASTRIDDDDDD!!!!" Napatigil saglit ang lahat dahil sa sigaw na 'yon ni Brenda. "Salot ka talaga sa mga plano namin."

"I told you. Don't underestimate us,  Human." sagot ko sa kanya at mabilis na tinaga ang aswang na lumapit sa'kin mula sa likuran.

"Ubusin niyo na silang lahat!" sigaw nito. Nakatayo lang silang tatlo sa isang sulok habang nakatingin lang sa mga kasamahan nilang nakikipaglaban.

Wala na ang dalawang helicopter na nagbuhos ng bendita kaya nagsilabasan na ang mga aswang na nagsi-tago kanina. Wala na rin ako naririnig na dumadaing sa sakit mula sa bendita.

"Pinuno! Nasusunog ang buong gubat!" napatingala ako sa sumigaw.

Hayop na manananggal na 'yon sisirain pa ang plano ko. Hinanap ko ang putol na katawan niya at hindi naman ako nabigo dahil nahanap ko agad iyon. Pinuntahan ko ito at wala ng maraming satsat pinagsasaksak ko ang kumukulo na laman loob nito. Nandito kasi ang buhay niya kaya nahulog ito no'ng hindi na kumukulo ang laman loob niya.

Tiningnan ko ang kinatatayuan ng tatlo pero wala na sila do'n. Nakita ko na papunta sa dereksyon ni Abel si Orly at kay Ninang Babeng naman si Brenda.

"Ninang, tumakbo ka na!" sigaw ko. Napatingin siya sa'kin pagkatapos kay Brenda na papunta na sa kanya.

Tatakbo na sana siya pero hindi niya na nagawa dahil naabutan kaagad siya ni Brenda. Sumaklolo si Nardo sa nanay niya pero para lang itong isang bagay na itinapon ni Brenda.

Gusto kong tumakbo papunta kay Ninang pero di ko magawa dahil maraming aswang ang sumusugod din sa'kin at dumagdag pa itong si Maxime na kasalukuyan nasa harapan ko ngayon nakaharang habang buhat-buhat si Jacob.

"Umalis ka diyan, Maxime."

"Bakit naman kita susundin? May laban pa tayo na hindi natapos di ba? Kung hindi ka napatay ni Brenda at Orly, pwes ako ang papatay sayo." sabi niya. Ang yabang talaga nito mas lalo pa yumabang nang maging aswang na.

Nakikita ko kahit sa malayo kung gaano kalaki ang kagustuhan ni Abel na iligtas si Ninang pero hindi niya rin magawa dahil hirap din siya habang nilalabanan si Orly.

Sinasakal na ni Brenda si Ninang ngayon at sa isang pikit-mata, dinukot nito ang puso ni Ninang.

"NINANG!!!!"

Sinabi ko pa naman sa sarili ko na wala na ang magbubuwis ng buhay pero bigo na naman ako.

Ngumisi si Maxime kaya tiningnan ko siya ng matalim na tingin. "Sinabihan na kita pero hindi ka nakinig." Nag-aapoy na ako sa galit ngayon.

Dinaanan ko silang mag-ina na parang isang hangin. Tumigil ako saglit pero hindi na ako lumingon at hinintay na lang na matumba silang mag-ina. Ilang segundo lang narinig ko na bumagsak na sila.

"Brenda! Ako ang harapin mo!"sigaw ko pagkatapos ay sinugod ko ito.

Lahat ng atake ko ay naiiwasan niya. Napapangiti pa siya ng mapang-asar sa tuwing hindi ko siya natatamaan.

"Papatayin kita!!!" sigaw ni Nardo at sinugod si Brenda. Hindi niya ito natamaan bagkos siya pa ang nasugatan nito ng matatalim nitong kuko.

Isang malaking pagkakataon naman sa'kin ang pagsugod ni Nardo dahil saglit na nawala ang atensyon sa'kin ni Brenda. At kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para matamaan siya. Nahiwa ko ang tiyan niya na ikinasigaw niya sa sobrang sakit.

"Aaarrrrggghhhhh! Hayop ka Astrid! Magbabayad ka!" sigaw nito habang hindi mapakali dahil sa sugat niya.

Pumorma na ulit ako para sugurin sana siya pero hindi ko na nagawa dahil nagpalit ito ng anyo bilang itim na baboy ramo saka tumakas. First time ko siya nakita sa anyong hayop niya at kagaya ni Orly, ang pangit din.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon