CHAPTER 15

131 1 0
                                    


STILL HER POV:

Nagising ako na walang naririnig na kahit anong ingay. Hindi ko muna minulat ang aking mga mata dahil pinapakinggan ko pa ang paligid ko pero gaya nga ng sabi ko wala akong naririnig.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko rin ito magalaw, kahit anong pag-pupumiglas ko hindi pa rin umuubra. Kaya minulat ko na ang mga mata ko at tumambad sa'kin ang bulto ng dalawang tao na naging dahilan kung bakit ako nawalan ng malay. Hindi! Isang tao lang at isang aswang.

Nasa harapan ko silang dalawa nakatingin sa'kin ng tahimik. And as i was expected nakatali nga ako. Nakatali ang dalawang paa ko at ang dalawang kamay ko na nasa likod ng upuan na inuupuan ko.

Nilibot ko ang paningin ko. I knew it, dito pa rin sa basement ang kota nila. "Hayop ka Trevor!" sigaw ko habang nag-pupumiglas. Nag-babakasali na lumuwag ang pagkaka-gapos ko.

Lumapit ito ng bahagya sa'kin. Habang ang pangit na ibon na 'yon prenting nakaupo sa isang sulok. "Pasensya na Astrid, mahal ko pa ang buhay ko." seryoso ba siya? Mahal niya ang buhay niya? Pero nagawa niya pang umanib sa mga aswang.

"Kung talagang mahal mo ang buhay lalayo ka sa mga halimaw na 'yan pero dahil mas mahal mo ang pera kaya ka nag-papagamit sa kanila, Hindi ba?"

Ngumiti ito. "You got me."

"Kapag sa oras na hindi kana kailangan ng mga aswang na 'yan sa tingin mo, bubuhayin ka pa nila? Para sa kanila isa ka lang pagkain na anytime pwedeng ihain at kainin." nakita ko ang takot sa mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"You're right Astrid, money is life." napalaki ang mata ko dahil sa gulat dahil sa taong nagsalita, no! Sa aswang na nagsalita.

It's Brenda!

"And you're also right....hindi na namin siya kailangan." humakbang ito papunta kay Trevor habang si Trevor naman ay nanginginig sa takot habang umaatras.

"Thank you for everything you've done for the company." sabi nito kay Trevor.

"Please ma'am, I'll do everything. Wag niyo lang ako patayin." biglang luhod nito. "Kung gusto niyo gawin niyo na lang akong aswang." this guy is impossible. Mas gugustuhin niya pang  mabuhay bilang aswang kaysa mamatay bilang tao? He's such a shit!

"You want to be like us?" tumango si Trevor sa tanong nito. "BWAHAHAHA! Ngayon lang ako nakakita ng tao na gusto maging aswang...this is why i like you." inabot ni Brenda ang kamay niya kay Trevor para hawakan nito at maipatayo siya.

Pagka-tayo nito walang sabi-sabi na kinagat ni Brenda ang leeg niya kaya napapikit na lang ako. He serve what he deserves.

"Aahhh! I don't like his blood. It's bitter! Just like what he is." sinuka niya ang dugo nito. Habang si Trevor ay nakahandusay na sa sahig na wala nang buhay.

Itong isa naman ay parang walang pakialam, tahimik lang na nakaupo habang umiinom ng dugo na nasa tasa at pinagmamasdan si Brenda sa ginagawa nito.

Habang pinupunasan nito ang mukha at mga kamay niya na puno ng dugo, nagsalita ako kaya napatigil siya. "How did..... You're still alive? But how?"

"How I'm still alive? Simple. Dahil ang kakambal kong si Bernard ang pinatay mo kasama ng panginoon namin." sabi niya at sa isang iglap nasa harapan ko na siya at hinawakan ako ng mahigpit sa panga. Ramdam ko ang galit niya.

"Maipaghihiganti ko na rin siya!" sigaw niya sa pag-mumukha ko. Nakalabas ang mahahaba nitong kuko kaya bumaon ito sa balat ko dahilan para dumugo ito.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon