CHAPTER 2:

237 5 0
                                    


ASTRID'S POV:

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Abel kaya bumangon ako at lumabas ng bahay para hanapin siya.

Pumunta ako ng kapelya dahil hindi ko siya makita, pero wala siya do'n. Wala din ang mga tao dito.

Naalala ko ang nangyari kagabi kaya pumunta ako sa taniman ng mga repolyo. Tanaw ko na ang mga tao na nagkakagulo at nanghihinayang sa mga gulay nila na sinira ng mga lalaking 'yon.

Napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko.

"Hello, may i speak with Astrid?" saad ng boses lalaki sa kabilang linya.

"Yes, speaking. Sino 'to?"

"Hi miss Astrid this is Treavor ang pumunta diyan sa baryo niyo kahapon." sagot nito.

"Pwede ba tayo magkita sa bayan? May sasabihin lang ako sayo." dugtong nito.

Limang segundo din ako hindi nakasagot dahil pinagmamasdan ko ang mga taga baryo.

"Sure. Text mo na lang sa'kin kung saan at anong oras." sagot ko at pinatay na ang tawag kahit hindi pa ito nakakasagot.

Lumapit ako sa kanilang lahat. "Astrid ang mga tanim natin." buong panghihinayang na sumbong sa'kin ni Ninang Babeng.

"Hindi mo ba alam kung sino ang may gawa nito?" tanong naman ni Mang Isko.

Lahat sila ay lumapit na sa'kin. "Pasensya na kayo, napagod si Astrid kagabi kaya hindi namin alam na may sumira na sa mga pananim natin." sagot ni Abel na nasa tabi ko na rin.

Ang kaninang malulungkot nilang mukha ay napalitan ng mapapanuyang ngiti.

"Aba! Mukhang malapit na kaming makakakita ng mga batang paslit na naghahabulan sa inyong bakuran." saad ni Aling Lucing.

Biglang nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakakahiya pero nakakatuwa na marinig ang salitang 'mga bata'.

"O siya. Halina kayo at pagtulungan na natin itong mga pananim natin, 'yong mga pwede pa, ibenta na lang natin sa bayan ang hindi na gawin natin pataba ulit sa lupa." ani Ninang Babeng kaya bumalik na silang lahat sa kanilang mga pwesto.

"Abel luluwas muna ako ng bayan, may bibilhin lang ako." paalam ko sa kanya.

"Samahan na kita." sabi niya.

"Wag na, saglit lang naman ako... tulungan mo na lang sila dito."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na kikitain ko ang mga taong nagpunta dito kahapon.

"Sige, mag ingat ka." mabuti na lang at hindi siya nakahalata na nagsisinguling ako.

Iniwanan ko na silang lahat na busy sa pagha-harvest ng mga repolyo.

Pumunta muna ako ng bahay para magbihis at nagdala na rin ako ng maliit na kutsilyo. Hindi ko na dinala ang katana ko dahil masyado itong mahaba baka makaagaw pansin pa sa mga tao doon.

Nagbangka ako para mabilis akong makarating sa bayan at ilang oras lang ay dumaong na rin ako.

Dumeretso ako sa restuarant na sinabi  no'ng lalaki sa text. Hindi nagkakalayo-layo ang mga establish semento dito dahil maliit lang naman ang bayan namin kaya hindi ka mahihirapan kung may hahanapin ka.

"Here, miss Astrid." kaway ng lalaki sa'kin na nakaupo sa dulo nitong restaurant.

"Take a seat." saad nito at pinag urong ako ng upuan ng kasama niya. Lumabas ang tatlo habang may dalawa pang natira at nakatayo sa likuran niya.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon