Fiction.
Nagising ako dahil sa ungot na iyak ng aking panganay, dali dali akong humarap para tingnan ang bunso kong anak na isang buwan at apat na araw pa lamang nagtaka ako ng mapansin kong parang hindi na siya humihinga kaya naman kinusot kusot ko ang mga mata ko nagbabakasali na namamalikmata lang ako pero ganon na lamang ang kaba at pagkagulat ko ng gisingin ko siya'y hindi na siya nagising, hindi na gumalaw kundi isa na siyang malamig na bangkay labis ang takot ko, takot na mawawala siya sakin. Ginising ko ang bunso kong kapatid at pinatawag ang mama ko sa baba at tinawag ako ni mama para bumaba, bumaba ako at labis ang gulat at galit ng mama ko sakin.
" Jusko! Napakatanga mo! Bakit mo ginanito yung bata?! Napakawalang kwenta mong nanay! Sana pala hindi ko na lang ipinaalaga sayo, sana ako na lang nagbantay sa kaniya napakabait pa naman ng bata tapos gaganitohin mo lang?! "
Masakit, sobrang sakit sakin ng mga katagang yan pero hindi ako diyan mas nasaktan mas nasaktan ako sa katotohanang wala na ang munti kong anghel, na iniwan na niya ako, ilang beses kong hiniling sa kaniya na bigyang himala niya ang anak ko pero wala! Wala siyang ginawa hinayaan niya ang kaawa-awa kong anak. Wala akong nagawa para buhayin siya kong may paraan lang ginawa ko na kahit maging kapalit pa ang buhay ko!
@Kofeeco.
Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Open for dedication.