Romance.
I'm chie, i have a boyfriend at 3 years na kaming dalawa na nagsasama sa hirap at ginhawa. Masaya naman kami, ayos naman yung samahan namin, wala naman kaming pinagaawayan not until umamin siya sakin na may nagawa siyang mali, syempre ako nagtataka at nagtatanong sa kong ano yung maling nagawa niya pero nananatili lang siyang tikom at tulala sa kawalan.
Doon na kami nagsimulang magkalabuan, doon na siya dumistansiya sa akin at mawalan ng oras sakin at hindi ako mapapanatag dun, kaya naman sinundan ko siya papauwi sa apartment niya nung una ay parang gusto kong tumigil at umuwi na lang din pero naglakas loob ako dahil parang may kong anong bagay ang pumipilit sakin at malapit na nga ako sa apartment niya nasa labas pa lang ako ay tanaw ko na siya sa tapat ng pintuan ng apartment niya nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman palang mali pero yun ang akala ko, dahil mga ilang minuto lang ay may lumabas sa loob ng apartment niya at walang iba kundi ang pinsan kong si Sai.
Gusto ko nung sugurin sila at magwala pero hindi ko magawa dahil buntis ang pinsan ko in short magkakapamilya na sila kaya imbes na manira ng pamilya ng iba ay ako na lang ang lumayo sa kanila.
Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko ngayon ang araw ng kasal nilang dalawa nagdadalawang isip ako kong pupunta ba ko o aalis na lang sa lugar namin? Ang sakit lang kasi, bakit yung pinsan ko pa? Bakit hindi na lang ako? Bakit ginawa niya yun ng hindi ako ang magiging ina ng mga anak niya at asawa niya? Hindi pa ba ko enough? Kulang pa ba yung 3 years na pinagsamahan namin? O siya ang may kulang at hindi ako? Pero kong ano pa man yun sapat na yung salitang " Tama na, Suko na, Ipaubaya mo na! " dahil sapat na yung rason na ipinakita niya, nila sa akin. Sana, sana hindi siya lokohin at saktan ng pinsan ko katulad ng ginawa niya sa akin, naglalakad ako papunta sa park kong saan kami nagkikita dati, tumigil ako sa harapan niya at tinitigan siya.
" Chie, sorry. " mahinang bulong nito pero sapat na para marinig ko umupo ako sa tabi niya at huminga ng malalim.
" Ayos lang yun, kamusta kayo at yung baby niyo? " sabi ko habang nakatingin sa unahan ko narinig ko ang mga munti nitong hikbi at tumulo na ng tuluyan ang mga taksil kong luha.
" Sorry, i'm sorry chie... " paos na sabi nito sakin humarap ako dito at ngumiti atsaka pinunasan ang mga luha niya sa pisnge.
" I hope na maging masaya kayo, kahit na ikakasakit ng damdamin ko, always remember this, minahal kita ng higit pa sa inaakala mo! " nakangiting sabi ko sa kaniya bago siya tuluyang iwan sa parke.
@Kofeeco.
Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Error's ahead,
Open for dedication.