Romance.
Ako nga pala si Duke, 26 yrs old. May gf ako si Chelsea, mas matanda ako sa kaniya 19 lang siya pero nagkakasundo naman kami sadyang minsan talaga nagtatalo kami lalo na't toyoin siya pero ayos lang mahal ko eh kaya tanggap ko lahat ng meron siya o kong ano siya noon at ngayon.
Araw ng sabado ngayon at ngayon din ang araw ng kaarawan ng kaibigan namin ni chel na si Vince kaya naman niyaya niya kami na maginom sa kanila ang kaso hindi ako nakasama dahil sa busy ako sa trabaho kaya si chel lang ang makakapunta, hindi naman ako nagdududa o naghihinala sa kanila dahil may tiwala ako kay chel at kay vince na hindi nila ko magagawang lokohin pero nagkamali pala ako dahil napaaga ang uwi ko galing trabaho kaya naisipan kong dumaan sa bahay nila vince pero iba yung nadatnan ko.
Ang sakit makita na yung babaeng mahal ko ng lubos at pinagkatiwalaan ko ng buo ay gagag*hin lang pala ko! Masaya lang naman siya habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ng tropa ko habang nakayakap naman sa beywang niyo yung braso ng tropa ko. Gusto kong magwala, gusto ko silang sugurin pero kinalma ko muna yung sarili ko atsaka dahan-dahang lumapit sa puwesto nila dahil busy silang dalawa sa paglalampungan hindi nila naramdaman na may paparating.
" Masaya ba? Masaya bang kasama yung jowa ko pre? " mapakla kong sabi dito gulat silang dalawa na tumayo at humarap sa akin kita sa mukha nilang dalawa ang takot at pagkabigla.
" Ano pre? Natameme ka ata? Nagtatanong ako sayo ah? " sunod-sunod na tanong ko dito pero yumuko lang ito habang yung gf ko naman ay naluluhang nakatingin sakin dahan-dahan itong bumitaw sa pagkakayapos sa kaniya ng tropa ko at dahan-dahang lumapit sakin.
" Hon, magpapaliwanag ako. " mahinang sabi nito pero iwinaksi ko ang kamay niya na humawak sa braso ko atsaka siya tinitigan ng mariin.
" Bakit chel? Bakit mo sakin toh ginawa hindi pa ba ko enough? Kulang pa ba lahat ng ginagawa ko para sayo o sadyang inabot ka lang ng kakatihan? Fvck! Chel! Ang sakit, a-ang s-sakit. " galit at umiiyak kong sabi dito pati rin siya ay lumuluha na pero imbes na intindihin yung pagluha niya mas pinili kong talikuran siya at lumakad papalayo sa kanilang dalawa.
Anim na buwan ko ng hindi nakakausap si vince at anim na buwan na rin akong walang balita kay chel, simula kasi ng mangyari yun nagpakabusy na lang ako sa trabaho ko at ngayon ay araw ng linggo, araw ng pahinga kaya naman ito ko ngayon nakahilata sa sofa habang nanonood ng t.v ng biglang magring ang selpon ko agad ko itong sinagot dahil baka importanteng tawag ito.
" Pre, si vince toh wag mo muna sanang ibababa yung tawag, may sasabihin lang ako sayo si chel, wala na siya. " tahimik lang ako habang nagsasalita siya naramdaman ko na lang na may mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko.
" B-bakit, bakit siya namatay? " nanghihina at paos kong tanong dito.
" Ginahasa siya atsaka pinatay, naabutan na lang yung bangkay niya sa may palayan. " napahagulgol na lang ako dahil sa sobrang sakit, oo niloko niya ko pero hindi ko hiniling na mawala siya sa ganitong paraan.
" Oo, may kasalanan ka sakin hon pero hindi ibig sabihin nun masaya ko na nawala ka, alam mo bang napatunayan ko sa sarili ko na hindi pa pala talaga ko nakakalimot sayo na mahal pa pala kita, sorry kong wala ako ng mga oras na yun sa tabi mo. Patawarin mo ako hon... " bulong na sabi ko mula sa hangin habang nakatingin sa lapida ng babaeng inalayan ko ng wagas at totoong pagmamahal.
@Kofeeco
Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Error's ahead,
Open for dedication.