018 : Untitled

95 2 0
                                    

Fiction & Horror.

Masaya ako habang naglalakad papauwi sa bahay namin ng pagdating ko ay may sumalubong kaagad saking kapitbahay namin.

" Uy sel! Kanina ka pa dumating di ba? " nagtatakang tanong nito agad naman akong nagtaka sa sinabi nito.

" Ha? Kakarating ko pa lang po! " takang sabi ko dito agad namang nanlaki ang mata nito at dali-daling umalis ako naman ay nagtataka itong sinundan ng tingin papaalis.

" Anyare dun? " mahinang bulong ko at naglakad na papasok sa bahay sa may gate pa lang ay rinig ko na sila mama na masayang nagtatawanan kaya nagmadali na kong lumakad papasok sa bahay.

" Ate, di ba kanina ka pa nakarating? " takang tanong ng bunso naming kapatid ako naman ay napatango habang sila mama naman ay gulat ang mga mukha.

" Anyare ba sainyo? " takang tanong ko sa mga ito pero mga tulala lang ang mga ito napapailing na lang ako at naglakad na papaakyat sa taas paakyat na sana ko ng magsalita ang kuya ko.

" Nakauwi ka na kanina pa, binati mo pa nga kami eh at kagaya ngayon umakyat ka rin kanina sa taas sel? H-hindi b-ba i-ikaw y-yun? " kinakabahan at natatakot na sabi sakin ni kuya dahilan para mapatigil ako at mapatango.

" Oo hindi ko kayo binibiro, kakarating ko lang at ngayon yun! " giit ko sa mga ito nagulat na lang ako ng magsitayo ito at yakapin ako nagtataka naman akong napatingin sa harap namin ganon na lang ang gulat ko ng makita ko ang kamukha ko na papalabas ng bahay.

@Kofeeco.

Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Error's ahead,
Open for dedication.

ONE-SHOT'SWhere stories live. Discover now