Romance.
" I love you! " napangiti na lang ako dahil sa mga katagang binitawan niya.
" I love you too! " nakangiti kong tugon dito at mahigpit siyang niyakap.
8 months palang kami pero masasabi kong ayos naman kami, same vibes kami at nagkakasundo sa mga ang bagay pero syempre minsan nagaaway din kami pero minsan lang at saglit lang. Ngayon ay birthday niya at balak ko siyang supresahin kaya naman sa sobrang busy ko sa paghahanda sa kaarawan niya ay hindi ko na siya nakakausap yung mga tawag niya hindi ko nasasagot pati nga mama niya tinawagan na ko kaya naman para makabawi ay inihanda ko na ang supresa ko sa kaniya sa mismong kwarto niya hindi alam ni tita na nandito ko sa kanila wala kasing tao ng dumating ako kaya sakto talaga para sa supresa ko at kanina pa nga ko nababagot dahil ang tagal nilang dumating kaya nahiga na muna ko.
" Tita, kaya mo yan! Nasabi niyo na po ba kay Alex? "
" Hindi pa eh, hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko nun. "
" MA! MA ANONG NANGYARI?! " napabangon ako ng makarinig ako ng malakas na sigaw na sinamahan pa ng pagiyak anong nangyayari? Ano bang meron? Dali-dali akong bumangon at bumaba asa may itaas pa lang ako ng hagdan ay may mga tao na kaagad akong nakita sa baba maya-maya ay nagsialis ang mga taong nasa pintuan at mas nagtaka at nagulat ako ng sunod na nangyari, isang kabaong ang ipinasok nila sinong namatay? Labis ang kaba na naramdaman ko kaya dali-dali akong bumaba nagulat naman sila na makita ako kaya naglakad ako papalapit kay tita para magtanong.
" Tita, sinong namatay? Asan po si Dave? " sunod-sunod kong tanong kay tita pero iyak lang ang naging sagot niya sa mga tanong ko sa kaniya.
" Tita? " tawag ko ulit dito.
" Wala na siya. " nabingi ata ako sa narinig ko kaya tinanong ko ulit sa kaniya kong nasaan si dave.
" Wala na siya, patay na si dave kaninang madaling araw lang. " umiiyak na sabi nito halos gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko, ako dapat ang susupresa sa kaniya pero ako ang sinupresa niya.
@Kofeeco
Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Open for dedication.