010 : Kulam

148 2 0
                                    

Fanfiction.

Ako nga pala si Tere, 23 yrs old at nagta-trabaho sa isang Coffee Shop, malapit dito sa amin. May bagohan kaming katrabaho at yun ay si Mean, 26 yrs old na siya pero kasundo ko naman siya at masaya kami pag-magkasama kaming dalawa.

Biyernes ngayon at may lakad ako, pupunta kasi ko sa nobyo ko pero sa totoo lang. Kabet lang ako ng isang lalaking pamilyado na, oo masama pero mahal ko siya at alam kong mali itong ginagawa namin pero masaya kaming dalawa. May dalawang kambal siyang anak at malalaki na rin parehas, hinila ko ang tali ng jeep para tumigil ito dahil bababa na ako sa tabi ng tumigil na ay bumaba na ko at pumasok na kaagad sa Restaurant na nasa harapan ko.

" Babe, dito! " napalingon naman ako sa tumawag sakin at walang iba kundi ang nobyo kong si Caleb. Lumakad ako papalapit sa puwesto niya at umupo sa kaharap niyang upuan.

Ilang oras din kaming nagkasama, naggala-gala muna kami bago namin naisipan na umuwi na, hindi na ko nagpahatid pa sa kaniya dahil para na rin makauwi kaagad siya sa asawa't mga anak niya. Tumigil ako sa tapat ng maliit kong bahay atsaka binuksan ito at pumasok sa loob, dumiretso na ko kaagad sa kwarto ko at walang ano-ano'y nahiga na ko at ipinikit ang mga mata ko.

Maaga akong gumising para pumasok sa Coffee Shop kaya maaga din akong nakarating sa trabaho ko, unang bumungad sakin ang mukha ni Mean na problemado't paga ang mga mata nagaalala akong lumapit dito.

" Me, anong nangyari sayo? " nagaalala at nagtatakang tanong ko dito pero imbes na sumagot ay niyakap ako nito at humagolgol ng walang humpay.

" Shhhh tahan na. " pagaalo ko dito habang hinihimas ang likuran niya ilang sandali lang ay naging ayos na din ito.

Ilang araw na ang nakakalipas ng magkaroon ng problema si mean at ngayon ay mukhang ayos na ito pero ako hindi, may masakit kasi sa loob ng ari ko hindi lamang doon pati na rin sa dibdib ko pero hinayaan ko lang ito hanggang sa magulat ako sa nasaksihan ko mula sa ari ko. May kong anong hayop ang lumabas dito ng ako'y nagbanyo hindi lamang iyon maraming sugat at pasa ang dibdib ko kaya sa sobrang takot ay naisipan kong makipagkita kay mean. Mabilis akong nagasikaso at gumayak papunta sa kanila medyo malayo pero ayos lang basta matulungan niya lang ako.

" MEANNNN?!!! " malakas na sigaw ko mula sa labas ng gate nila at maya-maya lang ay lumabas na ito.

" Oh tere, tara pasok ka. " yaya nito sakin at pumasok kaming dalawa sa bahay nila pagapak ko pa lang sa may hagdan sa labas ng bahay nila ay kinakabahan ako na ewan pero iwinaksi ko lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

" Ano palang sasabihin mo? " tanong nito kaagad pagkaupong-pagkaupo namin huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

" Me, tulungan mo ko. " natatakot at naluluha kong sabi dito nagtataka naman itong tumingin sa akin.

" Bakit, ano bang nangyari sayo? " nagtataka at nagaalalang sabi nito sakin bago ko magsalita ay pinunasan ko muna ang luha ko.

" Me, may lumabas kasi na kong anong hayop mula sa ari ko at may mga pasa din ako sa dibdib ko. " naluluha kong sabi dito nagulat naman ito sa sinabi ko.

" May sakit ka ba? " nagaalala nitong tanong sa akin umiling ako at napakunot-noo naman siya dahil sa labis na pagtataka.

" Magpatawas ka kaya? " biglang sabi nito napa-oo na lang ako dahil gustong-gusto ko ng gumaling at malaman kong ano bang nangyayari sa akin.

Mabilis kaming umalis sa bahay nila me, at nagpunta sa bahay nung manggagamot nasa labas na kami ng bahay nito mula dito sa labas ay tanaw na namin yung manggamot lumakad kami papalapit sa puwesto nito at paglapit na paglapit namin ay umiling-iling ito nagtataka naman namin siyang tinignan ni me.

" Nanay Fe, bakit ho? " takang tanong ni me dito pero tumalikod lang ito at lumakad papasok sa bahay niya kaya naman kami ni me ay sumunod na lang.

" Kinukulam yang kaibigan mo. " biglang sabi nito pagkapasok namin sa loob ng bahay niya gulat naman akong nakatingin sa kaniya kinukulam? Nino at bakit?

" May naging kaaway ka ba? " tanong ni nanay fe sa akin pero iling lang ang isinagot ko dito si me naman ay nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

" Bakit me? " takang tanong ko dito maya-maya ay napailing ito at ngumisi.

" Alam ko na kong sino siya nay fe. " makahulugang sabi nito kay nanay fe si nanay fe naman ay napailing na lang habang ako ay nagtataka sa ikinikilos nilang dalawa.

" Tere, kinukulam ka nga dahil ako ang nagpakulam sayo. " dire-diretsong sabi nito gulat naman akong nakatingin dito hindi ko alam kong bakit niya ginawa yun kaya naman naluluha akong nakatingin dito.

" Tere, kabet ka hindi ba? " biglang sabi nito gulat naman ako sa sinabi niya paano niya nalaman? Hindi ko naman sinabi sa kaniya yun kahit kailan.

" O-oo p-paano m-mo n-nalaman? " nauutal kong tanong dito pero tumingin lang siya kay nanay fe.

" Tere, ikaw ang kabet ng asawa ko at ikaw ang dahilan kong bakit nasira ang pamilya namin alam mo bang nakasira ka ng pamilya?! " galit at naiiyak nitong sabi sakin napatakip na lang ako sa bibig ko at naluluhang tinignan siya.

" S-sorry... " nauutal at umiiyak kong sabi dito pero tumayo ito at umalis na iniwan akong umiiyak habang kasama si nanay fe.

Hindi ko naman alam, hindi ko alam na siya ang asawa ni Caleb at kong alam ko iniwan at iniwasan ko na sana siya para lang hindi masira ang relasyon namin magkaibigan.

• • •

Dalawang buwan ang lumipas at namatay siya ng dahil sa kulam habang si mean naman ay nagsisisi sa kaniyang nagawa naisip niya na kasalanan din ng asawa niya yun at hindi din naman alam ng kaibigan niya at nagmahal lang naman ang kaibigan niya.

@Kofeeco.

Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Error's ahead,
Open for dedication.

ONE-SHOT'SWhere stories live. Discover now