005 : Untitled

398 2 0
                                    

Ako nga pala si Sammy, 18 yrs old btw, kaka18 ko lang ngayong araw at ngayong araw din ang pinakaespisiyal na araw sa buhay ko ang aking debut simple lang naman gusto ko yung maisayaw ako ng lalaking pinakamamahal ko, pinakamahalaga sa akin. Walang iba kundi ang papa ko pero mukhang malabo ng mangyari yun eh, hiwalay na kasi sila ni mama at ayaw din ni mama na dumadalaw siya sa bahay. Sa totoo lang ako ang nahihirapan sa kanilang dalawa kasi syempre gusto ko din makasama si papa at makita ang kaso bawal dahil naman kay mama oh di ba napakahirap? Kaya naman hindi na ko umaasa na maisasayaw ako ni papa ngayon.

" Anak, halika na dito sa labas at magsisimula na ang birthday mo. " nakangiting sabi sakin ni mama huminga na muna ako ng malalim atsaka sumunod sa labas saktong paglabas ko ay maraming tao ang bumungad sakin na talaga namang masaya at excited samantalang ako ay malungkot.

Nagsimula na ang party at ako tahimik lang sa sulok hindi ko kasi makuhang maging masaya dahil wala si papa, wala yung lalaking hinihintay ko ang lalaki na naging dahilan ng pagkabuhay ko dito sa mundong ito habang nakaupo ako sa sulok ay lumapit sa akin ang pinsan kong si Thea pero ang nakakapagtaka ay maluha-luha ito pero hinayaan ko lang siya na magsalita.

" Insan, si tito... " napatingin ako ng diretso sa mga mata niya at napatuwid ako ng upo dahil sa si papa ang ibabalita niya sa akin, kinakabahan ako na ewan pero nanatili akong tikom at nakikinig sa kaniya.

" Si tito, w-wala n-na! " natulala ako sa narinig ko para kong baliw na nakatulala sa kawalan habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang siya ay humahagulgol sa gilid ko.

Hiniling ko lang naman na maisayaw niya ko pero bakit napakadamot naman ata sakin ng mundo na sa mismong araw ko pa talaga siya binawi sa akin may nagawa ba akong mali? Ganon na ba ko kasama? Sana naman pinagbigyan niya muna ako, sana man lang naisayaw niya ako at nakita ko man lang ang lalaking pinakaunang rumespeto at nagmahal sa akin.

@Kofeeco

Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Error's ahead,
Opem for dedication.

ONE-SHOT'SWhere stories live. Discover now