004 : Untitled

584 2 0
                                    

Mystery/Thriller.

Galing ako sa trabaho, kaya naman pagod na pagod ako pagdating sa apartment ko mabilis akong nahiga sa sofa sa sobrang pagod papikit na sana ako ng makarinig ako ng isang malakas na kalabog sa katabing apartment ko at sinundan pa ng pagbagsak ng mga gamit nagtataka man ako ay nanatili na lang akong nakahiga at ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Ilang minuto lang ay nanahimik na rin kaya naman nakatulog na ako ng mahimbing.

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil papasok na naman ako sa trabaho ko, ginawa ko na ang mga kailangan kong gawin kaya naman lumabas na ko sa apartment ko pero nagulat ako ng makakita ako ng mga pulis sa labas at umiiyak na matanda na ini-interview ng isang pulis napatingin naman ako sa katabi kong apartment naalala ko ang nangyari kagabi, ang mga ingay na narinig ko sa silid na iyon.

" Ma'am, ilang taon na ho ba ang anak niyo? " tanong ng pulis sa matandang babae na mukhang nanay ata ng babaeng nakatira sa katabi kong apartment.

" 25 sir. " naiiyak nitong sabi napalingon naman ako sa pintuan ng apartment dahil mula doon ay may inilabas na bangkay na nakatakip ng puting tela.

" Sige ma'am babalitaan ko na lang po kayo. " sabi naman ng pulis dito agad na umalis ang pulis at ako ay gulat pa rin paano siya namatay? Sinong pumatay sa kaniya? Nagulat ako ng may kumalabit sa akin paglingon ko ay ang matanda pala kanina.

" Bakit po? " takang tanong ko dito ngumiti na muna ito pero halata mo sa mga mata niya ang lungkot.

" Wala ka bang narinig na ingay sa kwarto ng anak ko? " agad naman akong natameme dahil sa tanong niya meron, pero isinawalang bahala ko lang.

" Meron po. " mahina kong sabi dito dahil natatakot ako sa maaari niyang masabi.

" Meron? Bakit hindi mo man lang siya tinulungan nun? Alam mo bang pinatay siya at ginahasa ng mga oras na naririnig mo ang mga ingay na yun? Bakit wala ka man lang ginawa para sa anak ko?! " tahimik lang akong nakikinig at hinahayaan siyang sigawan ako dahil tama naman siya.

@Kofeeco

Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your risk.
Error's ahead,
Open for dedication.

ONE-SHOT'SWhere stories live. Discover now