Romance
Dedicated To : Kay Ren
I'm Rain, 25 yrs old. Summer na at sobrang init ng panahon kaya ito ko nagaayos ng gamit ko dahil pupunta ako sa probinsiya namin sa Quezon Province andun ang mga tita't tito ko pati na ang mga pinsan at kaibigan ko noong bata pa ako. Excited ako dahil makikita ko na naman sila at makakakain na naman ako ng mga pamprobinsiyang pagkain.
Saktong Alas-una ay umalis na ko pumunta na ako sa sakayan ng mga bus buti na lang hindi gaanong traffic sa highway kaya mabilis ko lang narating ang sakayan ng bus.
" Ito po ang bayad manong. " nakangiti kong abot dito ng bayad ko at tumalikod na para makasakay na ako ng bus.
" Manong, dito po ba ang papuntang Quezon Province? " tanong ko sa kondoktor agad naman itong tumango at gumilid para makasakay ako agad akong umakyat papasakay at pagkasakay ay humanap agad ako ng puwesto.
Ilang minuto lang ay umandar na ang bus at sa gitna naman ako nakaupo tumingin-tingin na lang ako sa labas para malibang-libang ako kahit papaano.
• • •
Huminto na ang bus sa sakayan din ng mga bus kaya bumaba na ako at naghanap ng van na masasakyan papunta sa Casay buti na lamang at sakto ako dahil isa na lang ang kulang at aalis na kaya mabilis kaming umalis at tinahak ang Casay.
Nakatira kasi ko sa maynila ngayon pero ipinanganak at lumaki ako sa probinsiya namin nung una ayoko sanang umalis, kaso hindi pwedeng hindi ako magpakalayo-layo may pinsan kasi ako sa side ni papa na iniibig ako at iniibig ko din siya kaya para hindi namin masira ang apelyido na iniingat-ingatan ng pamilya ay ako na ang kusang lumayo. Masakit pero wala akong magawa dahil mali! Mali ang ibigin namin ang isa't isa.
" Casay na po! " malakas na sabi ng driver kaya dali-dali akong bumaba at dire-diretsong naglakad papunta sa bahay namin.
" ATE RAINNN!!! " malakas na sigawan ng mga nakaba-bata kong pinsan napatawa na lang ako dahil sa kakulitan ng mga ito.
Alas-otso na ng hatinggabi pero ito ko sa labas ng bahay at mag-isang nagduduyan nakatingin lang ako sa ibaba ng biglang may umupo sa tabi ko dahilan para lingunin ko ito at ganon na lang ang gulat ko ng pinsan ko pala ito, ang lalaking iniibig ko ng buo.
" O-oh s-san? " nauutal at naiilang kong sabi dito pero ngumiti lang ito at tumingin sa malayo na may malalim na iniisip.
" Ulan, alam kong naiilang ka sakin dahil sa minamahal kita. " mahinahon ngunit ramdam mong masakit ang nararamdaman nito napayuko na lang ako dahil sa sinabi nito.
" Alam mo bang ikaw pa rin hanggang ngayon? Alam mo bang hindi ko magawang tumingin sa iba at umibig ng iba? Oo alam kong mali tong pagmamahal na toh pero wala akong magawa kasi kusa at bigla ko na lang itong naramdaman! " madiin at naluluhang sabi nito sakin napabuga na lamang ako ng hangin sa kawalan at naglakas loob na umamin at tumingin sa lalaking mahal ko.
" Alam mo rin bang minamahal kita? Syempre hindi ha-ha-ha, paano mo malalaman kong hindi ko sinasabi di ba? Pero mahal kita Yexel kahit mali pero sadyang hanggang dito lang talaga ang pagmamahal natin sa isa't isa, hindi natin magagawang maging masaya't malaya kong ipipilit natin ang gusto natin. " mapait at naluluhang sabi ko dito nakita ko naman na pinupunasan nito ang luha niya maya-maya ay hinawakan nito ang mga kamay ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
" Lagi mong tandaan na kahit sandali lang kitang nakausap at nahawakan ang mga kamay mo ay masaya ako at nagpapasalamat higit sa lahat kahit mali ang mahalin ka ay masaya ako, masaya na nagmahal ako ng tamang babae at ikaw yun. " nakangiti nitong sabi sakin habang hawak pa rin ang mga kamay ko habang ako naman ay walang tigil sa pag-iyak.
" M-mahal n-na m-mahal k-kita! */punas ng luha sabay ngiti ng malawak. Masaya din ako na minahal ako ng katulad mo na may nagmahal sa akin ng totoo at lagi mong tandaan hindi ka man naging akin, hindi man ako naging sayo makakahanap ka pa rin ng mas! Mas mamahalin mo ng lubos at higit pa sa pagmamahal mo sa akin. " malungkot kong sabi dito maya-maya ay nilapit nito sa akin ang mukha niya at ipinikit ko naman ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa labi ko napangiti na lang ako habang magkadikit pa din ang mga labi namin.
" Hanggang dito na lang tayo sinta ko! " sabay naming sabi sa isa't isa at tumayo na ito't lumakad papalayo sa akin ako naman ay napayuko na lang at napahagulgol sa sobrang sakit na animo'y pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.
Nagmahal lang naman kami pero sadyang malupit at maramot ang mundo dahil minahal man namin ng totoo ang isa't isa ay hindi naman maaaring maging kami.
@Kofeeco.
Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Error's ahead,
Open for dedication.