013 : Pahinga

165 2 0
                                    

Tragedy.

Dedicated To : Yandere Scrittore

Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan sa sobrang pagod, pagod sa lahat-lahat. Ang hirap nung ginagawa mo naman na lahat pero hindi pa rin sapat yung kulang pa rin, pakisamahan mo man sila wala pa rin, yung maging mabait ka sa kanila masama ka pa rin. Hindi ko na alam kong saan ako lulugar kasi gawin at sundin ko man yung gusto nila wala pa rin! Nakakasawa't nakakapagod na! Bumalik na naman sa utak ko ang lahat ng kinapapaguran ko.

- Flashback.

" Ano ba rere?! " galit na sigaw sakin ni mama sa hindi ko malaman na dahilan.

" Bakit po ma? " takang tanong ko dito pero imbes na sumagot ay sinampal lang ako nito at iniwan akong tulala habang nakahawak sa kaliwang pisnge kong namumula.

• • •

" RERE?! LINTIK KA TALAGANG BATA KA!!! " galit na galit na sigaw ni papa mula sa labas ng bahay labis naman ang takot na nararamdaman ko.

" B-bak__ */PAK! " nauutal kong tanong dito pero hindi ako natapos na magtanong dahil sa malakas at nakakabinging sampal ni papa.

" TNGN KA TALAGA ANO?!!! " murang sabi nito sa akin habang ako naman ay nagpipigil ng luha dahil ayoko na mas lalo akong mabugbog ni papa.

" NAPAKATAMAD MO! " malakas na bulyaw nito sakin dahilan para mapapikit ako pagkatapos ay lumakad na ito papalabas ng bahay namin at ako naman ay naiwang luhaan.

• • •

" Hoy! Rere ganiyan ka ba talaga ka-inggit sakin?! " galit na sigaw ng bunso kong kapatid nagtataka naman akong tumingin dito.

" Ano bang problema mo Lay? " mahinahon kong tanong dito pero imbes na sumagot ay hinila nito ang buhok ko.

" A-aray b-bitawan m-o k-ko! " galit na sabi ko dito pero patuloy pa rin ako nitong sinasabunutan ng magsawa ay umalis din ito napahimas na lang ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

• • •

" Tita, si re po kinuha yung bago kong t-shirt! " galit na sumbong ng pinsan ko habang ako naman ay nakaupo sa hagdan.

" RE! Ano na naman tong katarantadohan mo?! " madiin at nagpipigil na tanong sakin ni mama.

" Wala po ma, wala po kong kinukuhang t-shirt. " pagtanggi ko dito pero hindi ako nito pinaniwalaan at pinalo nito ang mga daliri ko.

" M-ma t-tama n-na p-po... " nagmamakaawa kong sabi dito dahil sa sobrang sakit at hapdi na ng mga daliri ko na animo'y unting palo na lang ay mapuputol na.

" MANAHIMIK KA! " galit na bulyaw nito sakin at patuloy pa rin sa ginagawa niya hanggang sa mapagod ito at iwanan akong dumudugo ang dalawang kamay.

• • •

Masaya akong uuwi ngayon dahil sa uuwi akong may awards na dala-dala para kanila papa at mama agad kong binuksan ang pinto at ganon na lang ang gulat ko ng makita kong wala na ang mga gamit namin napatulala na lang ako dahil sa sobrang bigla.

" Re ija, umalis na sila mama mo diyan kanina pang tanghali. " rinig kong sabi ng kong sino mang kapitbahay namin.

- Present.

Ilang taon akong naghirap, hirap na mapakain ang sarili ko nagawa ko na ngang kumain ng pagkain na itinapon na ng iba at pagkain na panis na. Sobrang hirap kapag wala kang magulang na sumusuporta sayo, yung wala kang magulang na nasa tabi mo.

Sa ilang taon na nagdaan ay namayat ako ng namayat dahil na rin sa nalilipasan ako ng gutom hanggang sa hindi ko na magawang tumayo para magbanyo, maligo at kumain lagi na lamang akong nakahiga dahil sa buto't balat na ako naluluha akong napangiti dahil isinilang nila ko pero iniwan din nila ko, mamamatay akong hindi nila alam napapikit na lang ako habang nakangiti at may luha sa mga mata.

- MAKALIPAS NG TATLONG ARAW...

" JUSKO! Ano ba yung mabaho na yun?! " galit na sabi ng kapitbahay nila.

" Oo nga, ano ba yun at saan ba yun nanggagaling? " sunod-sunod na tanong naman ng isa pa nilang kapitbahay.

" Hin__ " magsasalita pa sana ang isa nilang kapitbahay kaso may humintong sasakyan sa tapat nila at nagulat sila ng bumaba ang pamilya ni rere.

Tulala lang ang mga ito habang dire-diretso naman silang lumakad papunta sa bahay nila naunang pumasok ang kapatid nito at nagulat sila ng makarinig sila ng malakas na sigaw.

" AHHHHH!!! " malakas na sigaw nito habang nakatakip sa bibig nito dali-dali namang sumunod sa loob ang magasawa at ganon na lang ang gulat nila ng makitang wala ng buhay ang panganay nilang anak.

Agad naman silang tumawag ng ambulansiya at ipinakuha ang anak nila ang sabi ng mga doctor ay namatay ito dahil sa pagkabuhol-buhol ng mga bituka nito at samo't sari pang mga sakit kagaya ng U.T.I at kong ano-ano pa.

" A-anak... " naluluhang tawag nito sa anak niyang nakahiga sa kabaong.

" A-ate... " mahinang bulong naman ng bunso niyang anak habang naluluhang nakatingin sa kapatid niya.

" Darling, may mga awards siyang iniwan para sa atin. " malungkot na sabi nito sa kaniyang asawa agad namang kinuha ng asawa niya ang mga awards at mahigpit na niyakap habang malakas na humahagulgol.

" Wala na, wala na tayong magagawa huli na ang lahat. " mahinang bulong ng bunso nilang anak at sabay-sabay silang napahagulgol sa sakit at galit sa mga sarii nila.

@Kofeeco.

Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Erro's ahead,
Open for dedication.

ONE-SHOT'SWhere stories live. Discover now