003 : Untitled

988 2 0
                                    

Non-fiction.

Ako nga po pala si Mae, 10 years old at hindi na nagaaral dahil sa mahirap lamang kami at si tatay na lang ang kasama ko sa buhay, wala rin kaming matinong tirahan, nakatira lang kami sa isang bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping yero at wala rin kaming maayos na kagamitan at damit pero kahit ganon masaya ko dahil kahit sobrang hirap ng buhay namin ay hindi kami gumagawa ng masama kundi nangangalakal si papa at yun ang ginagamit naming panggastos sa araw araw. Araw ng linggo ngayon at araw din ng pagsisimba kaya naman naghahanda na ko sa pagalis dahil magsisimba kami ni papa sa may malapit lang na simbahan mabilis kong ginawa ang dapat kong gawin ng matapos ay lumabas na ako ng bahay naabutan ko si papa na nakahanda na rin sa aming pagalis, nakat-shirt na puti at maong na pantalon si papa at suot suot niya ang luma niyang sapatos habang ako naman ay suot suot ko ang puti kong bestida pati na ang luma kong sapatos na galing pa sa basurahan. Lumakad na kami papaalis ni papa, marami kaming nakakasalubong na mga magkakapamilya na talaga namang mas lamang sa amin pero dinedma ko lang iyon at tumingin na lang sa harapan ko. Pumasok na kami sa simbahan, mabilis lang na napuno ang simbahan at nagsimula na rin ang misa. Kakasimula palang pero mga tulog na kaagad ang mga matatanda at naglalaro na kaagad ang mga bata napailing na lang ako dahil nagsimba nga sila na suot suot ang maayos, mababango at bagong mga damit pero imbes na makinig sila sa salita ng diyos ay mas pinipili nilang gawin ang mga bagay na ninanais lang nila

" Wag kang pumasok sa simbahan kong hindi ka din naman interesado sa salita ng diyos, aanuhin mo ang maayos mong kasuotan kong pagtulog at paglalaro lang naman ang gagawin mo sa loob ng simbahan. "

@Kofeeco

Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Open for dedication.

ONE-SHOT'SWhere stories live. Discover now