007 : Riles

314 2 0
                                    

Horror & Comedy

Ako nga pala si Tammy, 15 yrs old at nakatira sa tabi ng riles kong saan dumadaan ang mga tren, usap-usapan dito sa lugar namin ang about sa babae na pinatay ng grupo ng mga kababaihan at kalalakihan nung nakaraang araw pa iyon nangyari pero hanggang ngayon ay sariwa pa ito para sa mga taga-dito sa amin.

Araw ng martes ngayon at kailangan kong magtungo sa bahay ng Tita Marites ko kaya naman nagmadali na kong umalis dahil baka magalit pa sakin si tita. Ilang oras lang ay narating ko na rin ang bahay nila kaya naman dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay nila dahil na rin sa init at pagod, pinapunta kasi ako ni tita dito para tulungan siya na gumawa ng mga itinitinda niyang Graham Balls.

" Oh, dalhin mo na yan para sa mama mo at pakisabi rin na miss ko na siya. " sabi nito sakin kaya naman tinanggap ko na ang baonan na may lamang Carbonara.

" Sige ta, alis na ho ako. " paalam ko dito at tango lang ang naging sagot niya kaya naman lumakad na ko papalabas ng bahay nila at naghanap ng masasakyan na jeep.

Alas-diyes na ng gabi pero andito pa rin ako sa daan, naglalakad sa madilim at tahimik na riles kong saan kami nakatira dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa may babae akong makasalubong napatingin ako dito dahil na rin sa nakakapagtaka ang itsura nito idagdag mo pa ang marumi nitong damit hindi lamang iyon punit-punit pa ito. Biglang sumagi sa isip ko yung babaeng pinaguusapan ng lahat dito sa amin agad akong naglakad ng mabilis ganon na lang ang gulat ko ng may humawak sa paa ko.

" AHHHHHHHHHH!!! PAKSHET KA BITAWAN MO KO! MAAWA KA GUSTO KO PANG MARANASAN YUNG ROMANSANG SALISI AT GUSTO KO PANG MAKAPAGASAWA!!! MAMAAAAA!!! " malakas na sigaw ko rito grabe ang takot na nararamdaman ko napapikit na lang ako habang lumuluha hanggang sa maramdaman kong wala na yung kamay na nakahawak sa paa ko dahan-dahan kong iminulat ang mata ko sa takot na baka nasa harapan ko siya atsaka ko dahan-dahang lumingon sa likuran ko.

" AHHHHHHHHH!!!! " malakas na sigaw ko dahil sa gulat, luwa ang mga mata niya at may tahi ang labi niya at kalbo din ang unahan ng ulo niya idagdag mo pa ang putol niyang kaliwang paa at kanang braso naluluha akong nakatingin sa kaniya dahil sa takot at awa na rin sa kaniya.

" Grabe ka naman makasigaw teh, hindi ka maganda teh! Kaya pakihinaan lang ang boses mo at wait ano? Romansang salisi at asawa ba kamo? Ay sad to say beng wala ka daw mararanasang romansang salisi plus hindi ka na din daw magkaka-asawa! Pasensya sayo kaloka ka assumerang frog! " nakanga-nga lang ako habang nagsasalita siya wadapak! Ang sakit sa apdo nung sinabi niya shuta siya! Tumalikod na ito at maya-maya din ay lumakad na papaalis pero muli itong bumalik at humarap sa akin.

" Btw, ikaw na nagbabasa nito wala kang bebe time, wala ka ring bebe at hindi ka na magkaka-bebe ehe.  " s-shuta?! Masakit ba pri? Ayos lang yan para lang yang kagat ng dinosaur.

@Kofeeco.

Open for criticisms.
Plagiarism is a crime.
Read at your own risk.
Error's ahead,
Open for dedication.

ONE-SHOT'SWhere stories live. Discover now