"Lalandi-landi 'tapos iiyak-iyak? Tanga ka ba?"
Natawa akong mahina sa narinig galing kay Allysa, na ngayon ay nakapameywang habang masama ang tingin sa kaibigan kong si Johoney. Wala akong makampihan sa kanilang dalawa dahil kapag magsasalita ako ay mapapagalitan ako ni Allysa. Kilala ko siya -- kapag nag-ra-rap siya, dapat walang magsasalita kundi siya lamang.
"Ano bang ginawa mo roon sa music room? May pa-dark-lipstick ka pa 'tapos ngayon iiyakan mo ako? Gusto mo palo?" si Allysa at nagkamot ng ulo sa pagkairita. Sinenyasan ako ni Pearly na i-zipper palagi ang bibig kaya 'yon ang ginawa ko.
"Ano bang mali roon? Ha? Gusto ko lang naman mapansin niya ako! 'Di ko naman aakalain na babastedin niya ako!" depensa ni Johoney sa sarili. May hawak pa rin siyang panyo para may magamit siya agad 'pag maluluha na naman. "At isa pa, 'di lang naman ako ang nabasted! Apat kami, 'oy!"
"Proud ka pa niyan? Papano na lang kung sa maraming tao ka ni-reject? Edi pahiya ka! Nasaan ba utak mo, ha? Nasa pempem?" pang-aalaska ni Allysa at tiningnan kami ni Pearly. Bigla tuloy akong kinabahan habang hinihintay ang pagsasalita niya. "Kayong dalawa, kayo na bahala sa PreCal at HOPE, ako na sa OralCom. At ikaw naman Johoney, kami na bahala. Iyak ka muna riyan. Landi-landi kasi."
Natawa kaming lahat pero pareho lang naming 'di pinahalata sa bawat isa. Kailangan ko nang mag-study dahil PreCal na ang next sub namin. Sunod-sunod kasi ang activities namin ngayon. Kaya nag-decide kami kahapon na iba-iba kami ng pag-aaralan since madali lang naman ang kopyahan nito dahil magkakatabi kami.
"Kailangan ko na rin 'atang lumandi para 'di maka-review," maiyak-iyak na sabi ni Pearly at halos irapan niya na si Johoney. "Ang landi talaga ng babae na 'yan. Pormahan ba naman ang isang Ramirez!"
"Hoy, impaktang ayaw tumangkad, naririnig kita!" naasar na sigaw ni Johoney. Himala at kami lang talaga ang tao sa library ngayon kaya malaya silang nakakapagsigawan. Wala rin ang librarian kaya solo namin ang buong lugar.
"Ang daming Ramirez sa mundo, anong name ba?" Kumunot pa lalo ang noo ko dahil kahit kanina pa sila nag-aaway ay wala naman akong narinig na pangalan ng isang lalaki.
"Kalimutan mo na," Si Johoney at umirap na naman.
Kaagad nang-alaska si Pearly, "Calimutan mo na nga. Wahahahah!" Tawa pa siya nang tawa, pero hindi ko na-gets kaya tumahimik na lamang ako.
Nang mag-bell ay kaagad naming inayos ang sariling libro at tumakbo patungo sa room. Panay ang ngisi ni Johoney kasi nga wala siyang ambag sa kopyahan namin ngayon.
We are not always doing this. Nagkakaganito lang kami kapag ang lahat ay busy at ang lahat ay masyado nang stressed para mag-aral ng maraming subjects. Nakakapagganito lang kami once ot twice in a semester. Mostly talaga ay sariling sikap na para makakuha ng matataas na marka.
"'Yong kamay mo. 'Di ko makita number two," bulong ni Johoney at tinampal pa ang kamay ko na nanahimik lang. Bigla kong sinampal ang papel kaya natawa kaming pareho nang palihim. Pinasa niya ang nakuha kay Allysa hanggang sa lahat kami ay naka-kopya na. Nang mag-check ng papel, nilagyan nila ng mali ang sagot nila para 'di kami mahalata.
"Saan ka?" sunod-sunod na tanong naming lahat nang makitang tumayo si Johoney nang wala na amg subject teacher. Nakasuot na naman siya ng liptint kaya masama na ang hinala ko rito.
"Kapag ikaw nahuli kung lumandi, lagot ka sa 'kin!" Ipinakita ni Allysa ang braso.
Umirap si Johoney at sunod-sunod pa nga. "Mag-c'-cr lang naman."
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romance"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio