CHAPTER 33

16 1 0
                                    

"I still don't want, Ma, I am sorry."

We were having a family dinner when they asked about my plans. Ilang ulit na nila ako tinanong about sa bagay na 'to pero hindi ko maibigay ang sagot na gusto nilang marinig mula sa akin.

I love my parents. I am starting to forgive them totally. Mas pinili kong intindihin sila. Pero hindi pa rin ako ready magtrabaho sa hospital namin hindi dahil iniiwasan ko sila, kundi hindi lang talaga ako komportable at interesado.

"Let's not force her, Mom and dad. Sigurado akong komportable siya sa workplace niya ngayon," said Kuya Rynierre. Tumango naman ako. Kung meroon mang mga taong nakaiintindi sa akin, sila Kuya, Faith, at ang mga kaibigan ko na 'yon.

"All right. Basta kapag gusto mo nang lumipat, ipaalam mo kaagad sa amin. We will gladly assist you!" si Papa.

"May iba pa ba tayong lakad by tomorrow evening?" tanong ko.

"Family gathering? Wala naman. Why do you ask?" Kuya Adrian inquired. Tumagal ang tingin ko sa kaniya nang maalala ang pag-flex niya sa kaniyang girlfriend sa Facebook kanina. Never knew my brother could pull a gorgeous model! Well, gwapo naman talaga si Kuya at may looks pa pero still, nakakamangha! His girl comes from a wealthy family that is actually wealthier from us!

"What are you thinking of?" Natatawa niyang pinitik ang noo ko.

I pouted. "Nothing, I just saw your girlfriend! Hindi mo siya napakilala sa akin!"

"Yes, because noong dinala ko siya rito ay busy ka sa trabaho. Plus, ayaw mo pa talagang maniwala na kami talaga."

"Eh kasi naman..." I rolled my eyes. "Anyway, wala ako bukas. My friends and I planned to hang out. Manunuod na rin ng bandang nagpe-perform."

"You're interested into band?" si Kuya Rynierre. Sa ilang taon ba naman kasi na hindi kami personal na nag-uusap ay marami siyang hindi pa nalalaman patungkol sa akin. I discovered some things that make me alive, isa na roon ang musika. There's something in music that makes me feel connected to my deepest soul. Unbelievably, I become interested din sa mga instruments na dati ay 'di ko naman pinagtutuunan masyado ng pansin.

When in fact, I can now play piano and guitar. I am practicing to write a song these past few months kapag nagkakaroon ako bakanteng oras.

"Chelsy!"

Napalingon ako nang marinig ang magkakasabay na sigaw ng mga pamilyar na boses na alam kong galing sa mga kaibigan ko. I chuckled and danced myself to face them.

I fought the urge to laugh when my friends, Johoney, Allysa, and Pearly, stared at my dress.

It's kind of revealing and they're not that used to see me wearing this kind of dress.

"What a bitch," Johoney whispered while smiling so proudly, "a very angelic bitch."

Hinayaan ko silang maghanap ng table hanggang sa naiabot na rin sa 'kin ang order ko. I closed my eyes as my lips touched the coldness of the glass. Dumaan ang pait pero bigla rin namang naglaho.

I heard from my kuya's na may banda ngayon kaya maraming tao. Dalawang banda raw ang mag-p'-play para ngayong gabi bilang birthday celebration na rin ng may-ari ng bar.

"How's your duty ba, Chels?" Itinaas ni Pearly and kamay para magtawag ng waitress. "Wala ka ba talagang balak magtrabaho sa hospital ninyo?"

Paulit-ulit nilang tinatanong ang bagay na 'yan sa 'kin at paulit-ulit ko ring sinasabi sa kanila na may mahabang kwento kung ba't 'di ko kayang magtrabaho roon. At isa pa, komportable na ako sa pinagtatrabahuan ko ngayon kaya ba't pa ako maghahanap ng iba, 'di ba?

Towering the Flames (SS#2) Under Major RevisionWhere stories live. Discover now