"What if makapagtapos nga tayo, pero hindi naman tayo masaya sa trabaho natin because it's not our dream job?" Pearly asked out of the blue. Based on her tone, I assume that she's still undecided about her college course.
But balik sa topic, I can't imagine myself being unhappy because I am not working with passion. Palaging pinapaalala nina mommy and daddy kung gaano kahalaga ang passion sa lahat ng bagay.
But what if. What if everything won't turn out as planned?
"I believe that things happen for a reason," komento ni Allysa. We're inside the library, anyway. Nasa pinakadulo kami kaya malayo kami sa mga ibang student na piniling tumambay rito. "Alam niyo 'yon, if we're not happy doing something, it will then guide us to what is really meant for us, to what is good for our hearts."
Tumango-tango naman ako. Nakatatakot rin pa lang isipin. Na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sa isang hakbang mapupunta na kaagad tayo sa bagay na para sa 'tin; na minsan pala ay kailangan din nating mapunta sa mga sitwasyon na 'di natin ninanais.
"Kaya nga napaisip ako, sana maka imbento ang mga scientist ng future viewer. 'Yon bang, makina kung saan pwede nating makita ang future natin," natatawa pero may halong pagkaseryoso na sabi ni Pearly. "So that we can avoid things and save our future."
"Then, mawawala ang thrill niyan," Allysa laughed. "We can't enjoy the present if we are too bothered of our future. Imagine, if makita nating naghihirap tayo in the future, edi mawawalan tayo ng gana na i-enjoy ang present moments."
They continue exchanging thoughts, ako naman ay nakinig lang sa kanila. Until a student meter away from me gave me a hand signal na tila pinapalapit ako sa kaniya. I excused to my friends and went to the junior highschool student.
"Yes?" nang makalapit ako.
She giggled and pointed out the entrance door, only to see Cal. Mabuti na lamang at natatabunan ng shelf ang pinto kaya kalmado akong lumapit sa kaniya.
"Ano'ng meron?" H-in-ead to foot ko siya.
"A typical suit for a responsible student?" His signature smirk appeared.
I rolled my eyes. "That's good, though. Now, anong pakay?"
Judging by what he's wearing, he really looks like a responsible student. Lalo pa't naka complete uniform na siya at naka black shoes. My stomach grumbled for no reason. Pilit ring kumakawala ang mga ngiti sa mga labi ko, na 'di ko naman alam kung bakit kaya todo pigil na ako.
"Hinanap kita sa room niyo, vacant raw kayo kaya pumunta kayo rito ng mga kaibigan niyo. I would just like to invite you mamayang gabi. Sa bahay, Caliver is eager to see you."
I swallowed hard. "Or you're just using Caliver? Baka hindi niya talaga ako hinahanap."
"Why would I use him? Of course not, I am saying the truth. He has missed you."
Sa kanilang bahay . . . So posible rin na 'di lang silang dalawa ang naroon mamayang gabi. How about his mother? Father? Uncle? Or si Amethyst?! What if Caliver asked a favor to Cal to invite Amethyst too?
"What is my Chelsy thinking of?" He tilted his head to the other side. Now he does look genuine. "You should ask me questions."
"How about your parents? Edi . . . Makikilala nila ako?"
"They already knew you."
"What?!" Napalunok na naman ako. "Bilang nililigawan mo?"
He grinned. "Yes, ma'am."
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romansa"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio