C H A P T E R 4

34 7 0
                                    

"Ano'ng gagawin ko sa loob?"





Tumaas ang isa niyang kilay at halos 'di na 'ko makahinga nang suriin niya ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Ang buong akala ko ay tatawa siya at sasabihing tinatakot niya lamang ako. Pero walang ganoon na nangyari at nag-krus pa nga ang mga braso niya sa dibdib niya.






Tama ba ako ng napuntahan? No -- ang dapat na itanong ko sa sarili ay makakauwi pa ba ako? Kasi sa palagay ko malabo na. Parang isang haunted house ang napuntahan ko ngayon -- malala pa nga 'ata.






"Number?" tanong niya sa 'kin, ako naman ay napaturo sa sarili. Mabuti na lamang at memorize ko ang cellphone number ko kaya nakasagot ako.






"0975605571--"





"Sabi ko number mo."





"'Yon nga 'yon." Wala pa nga siyang ginagawa ay napahakbang ako. Pero kasabay ng paghakbang ko na 'yon ang pagbangga ng likod ko sa kung anong matigas na bagay. Noong una ay akala ko isang pader 'yon, pero nang maramdaman ko na umakbay 'to sa 'kin, kaagad akong napatingala.






"Cal. . ." 'Di ko mapigilan na 'di mapabulong.





"Yes, darling. I am Cal." Isang matipid na ngisi ang ipinagkaloob niya sa 'kin. Humigpit ang hawak niya sa 'kin at parang may meaning 'yon na kung ano na 'di ko alam kung ano, bakit, o para saan! Pero parang gusto niyang magbigay ng kung anong senyales sa babae na nasa harapan namin kaya kahit labag sa loob ko ay hinyaan ko na lamang siya.






Kagaya ng nakasanayan kong makita sa kaniya, isang ripped white-colored jeans ang suot niya ngayon. May mga kung ano na parang kwintas na naka-design sa mga bulsa na 'to. Nagniningning ang mga 'to kapag natatamaan ng light o sa tuwing gagalaw ang lalaki. Bilang pang-itaas naman ay naka-black FUBU shirt siya. Bumagay 'to sa balat niya.





Alam ko naman na matapang ang pabango niya pero ngayong napakalapit namin sa isa't isa, halos 'di na 'ko makahinga pa. 'Di ako sure kung dahil ba sa pabango niya o dahil sa sobrang lapit namin.




"Number 7 'to," narinig kong sabi niya sa babae. Kailangan niya pang humiwalay sa 'kin para sumandal sa pataas na lamesa kung saan may parang logbook o kung ano pa mang tawag nila sa bagay na 'yan. May isinulat ang lalaki rito at wala na akong balak basahin kung ano 'yon.



"7?" 'yong babae, nakangiti noong lalaki na ang kaharap pero nang balingan ako ay napawi ang ngiti niya. 'Di niya naman ako inirapan pero nakaramdam pa rin ako ng kakaiba sa reaksyon niya na 'yon. Muli pa nga siyang bumuntong-hininga. "Sigurado kang number 7 siya? Akala ko ba--?"





"Tara na." Hinigit ako ng lalaki at muli akong inakbayan. Balak ko sana siyang itulak o ano para mapalayo siya sa 'kin nang mabungaran ko ang kabuuan ng bahay. Maraming mga lalaking mukhang lasing ang nakabangga ko at wala akong ibang choice kundi lumapit kay Cal at isandal ang ulo sa dibdib niya.






Masyadong nakakahiya lalo na ngayong naririnig ko ang mumunti niyang tawa pero mas nakakatakot na mapalapit sa mga lalaki na ang la-laki ng katawan.





"Anong klaseng lugar 'to?" tanong ko kaagad nang pareho na kaming mapaupo. May pabilog na lamesa sa harapan namin. "At bakit ka nandito? At bakit may password kanina noong nasa labas ako? Ano'ng mero'n do'n sa babae at kakaiba siya tumingin? At ano'ng meron at tinawag mo akong number 7?"






"Ang dami mong tanong," may isang babae na nag-abot sa kaniya ng yosi at walang sali-salita niya 'tong inabot. Nagsindi siya ng isa sa harapan ko at halos mapaubo ako. Hindi lang siya ang naninigarilyo ngayon. Buti pa nga siya at isa lang ang hawak 'di katulad ng iba na dalawang sigarilyo ang pinagsasasabay.






Towering the Flames (SS#2) Under Major RevisionWhere stories live. Discover now