"Basta gawin mo na lang 'yong sinabi ko sa 'yo."
Nahuli ko siyang nakatingin sa mga labi ko pero ilang segundo lang naman 'yon nagtagal. Kaya noong tumayo siya at iniwan ako, napakagat labi na lamang ako. Basta ang tangi ko na lang napansin ay makalipas ang ilang minuto, nagsitayuan ang ibang mga lalaki at pumunta roon sa stage. May isang nagsuot ng gitara at ang iba ay hinahanda na ang sarili.
Parang may ideya na ako sa nangyayari. At noong nagpakita si Cal ay roon ko napatunayan na tama nga ako ng hinala. Nakatayo siya ngayon sa harapan habang may hawak-hawak na microphone.
Nagpakawala siya ng isang pekeng ubo, at 'yon ang naging dahilan para magsihiyawan ang lahat. Basta ang alam ko, ito ang magiging unang beses na maririnig ko siyang kumanta. Halatang may boses naman siyang maipagmamayabang base na rin sa sinabi ng ibang kakilala ko.
Sa partikular na dahilan ay napangiti ako. Marunong pala siya kahit papaano tumupad sa usapan namin. Akala ko j-in-o-joketime niya lang ako noong sinabi niyang kakanta siya.
"Alam kong nagulat kayo, pero sige lang, magulat lang kayo," maangas na panimula niya. Ang lahat naman ay tumawa pero halata pa rin na ang lahat ay excited nang marinig ang kakantahin niya. "I do not know why I am doing this but yeah-- maybe I really need to sing. . . ?"
Mas lalo pang lumakas ang hiyawan. Kahit 'yong nga katabi niya ay kunware sinusuntok na siya. May sumigaw sa pangalan ni Amethyst kaya mas lalong umingay. Natawa na lang ako dahil parang naging baliw ang lahat.
Mahusay na nagsimula sa pag-strum ng gitara ang guitarist, hanggang sa unti-unting pinalo ng drummer 'yong drum. Hanggang sa lahat nang instruments ay magandang nag-combine. Dagdagan pa na napakaganda ng boses ni Cal. 'Di ko maiwasang 'di makalimutan 'yong ginawa niya sa 'kin.
Parang hinele ako ng baritono niyang boses na halos bumalot na sa sistema ko. Hilig niya ring pumikit kapag naawit 'yong medyo emosyonal na part kaya mas lalo kong nadama 'yong mensahe ng kanta.
It was a great performance, really. At alam kong 'di lang ako ang namangha dahil lahat ng nakapanood ay malakas na pumalakpak.
"Woah! Halatang adik sa chiks, pare!" natawa na lang ang lahat nang umalingawngaw ang sigaw ng isang lalaki na parang lasing. Pero instead na balingan 'yon ay pinirme ko na lang ang mga mata ko kay Cal na na kausap 'yong pianist.
Akala ko ay may kakantahin pa siyang muli pero mukhang wala nang pang-second performance. Ginulo lang ng lalaki ang buhok niya matapos makipag-usap sa pianist saka tumakbo papalapit sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang sa 'kin na nga siya papunta!
"Woy, gagi!" 'Di ko na malaman kung ano ang irereak ko. Akala ko nga ay 'di na siya mag-iiwan ng distansya para sa mga mukha namin dahil para talaga siyang flash kanina kung gumalaw. "Anong trip na naman 'to, ha?"
"Ano ngang favorite song mo?" tanong niya sa 'kin na kaagad ko namang sinagot.
"Kahit ano, lalo na kapag kanta ni Justin Bieber," wala sa sarili kong sagot. Aware na aware ako kung ilang mga mata ang nakatingin sa 'kin ngayon. 'Eto kasing lalaki na 'to at parang walang pake sa paligid! Ang pangit lang kasi isipin na marami ang nag-ship sa kanila ni Amethyst 'tapos heto siya at ang lapit-lapit sa 'kin!
'Di ko naman masubukan na ilayo ang mukha ko dahil nakasandal na nga ang ulo ko sa backrest kaya siya na lang dapat ang mag-initiate ng sapat na distansya.
"How's my performance, anyway?" tanong niya at pasimpleng hinaplos ang panyo na nasa noo niya. "It's great, isn't it?"
"Yup," sagot ko. "Ang ganda pala ng boses mo, 'no? Parang boses ng isang international singer."
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romance"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio