"Pangit mo," si Pearly.
Sina Pearly at Johoney na nag-aasaran ang nasa sa aking tabi. Malapit na kami sa gate. It's time to go home but I still other have things to do. Mga bagay na 'di pa alam ng mga kaibigan ko. Mga bagay na 'di ko rin kayang ipaalam sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ni Johoney. Pinapanood ko lang sila habang tulala. "Aba, at ikaw naman-"
"Pandak," bulong ni Pearly na tinawanan nina Allysa at Johoney. I can't join them, though.
"Mabuti naman at alam mo na," Johoney laughed like there will be no tomorrow.
"Paulit-ulit mo ba naman kasing sabihin!"
"Tama na 'yan. Sa apartment na kayo mag-asaran," saway ni Allysa sa dalawa.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay 'di pa rin ako maka desisyon kung kanino nina Cal at Amethyst ang dapat kung siputin. I am a rational being. Pero sa pagkakataon na to ay 'di ko na malaman kung ano ang mas makabuluhang gawin.
Plus, the fact na kailangan ko na namang magsinungaling sa mga kaibigan ko . . . Nakaka-stress.
"Remember, ako ang chef, what if 'di kita pakainin?" natatawang banta ni Johoney kay Pearly. Wala na kasi kami sa school kaya lumakas ang loob mag-start ng away.
I breathed heavily. Aking nalalanghap ang usok galing sa mga dumadaang sasakyan pero 'di ko na 'to nabigyan ng pansin.
Pag-on ko sa phone ay napansin kong malapit nang mag 6. Doon ako mas lalong 'di naging komportable. Mukhang inaasahan ng mga katabi ko na sabay kaming uuwi, without knowing na once nandito na ang aking sundo, magdadahilan na naman akong may bibilhin muna.
"Sigurado ka, Chels? Ba't kasi, ampp, 'di mo sinabi kanina para kanina pa tayo nakabili?" reklamo ni Pearly na nakadapa na sa backseat.
Si Johoney ay pinagtatawanan lang ang kahit anong gawin ni Pearly. Maging ang paghinga nito. Si Allysa naman ay nasa tabi ko pa.
"I forgot. Sorry talaga. Bibisita rin kasi ulit ako sa bahay," I explained. I was kind of nervous because Allysa hadn't moved yet. Pero mayamaya ay pumasok siya sa sasakyan at sinenyas ang phone na hawak-hawak ko lamang.
I smiled widely. "Yes. I will call you, guys."
The car's machine had started and relief was poured into my whole system. Woah. Muntikan na 'yon. Muntik na akong maiyak nang ilang segundong tahimik si Allysa. Mabuti na lang din at 'di siya nagtanong at baka masabi ko ang totoo.
And now . . . I really need to choose.
Kinuha ko ang jacket na baon galing sa bag. Never knew it would be useful. Nilibot ko ang aking paningin para matagpuan si Amethyst. It's getting darker but I did not feel scared at all because of the busy people around me. Umupo ako sa isang bakanteng upuan, sa harap nito ang pabilog na lamesang gawa sa semento.
I sighed heavily. I turned my phone into its silent mode dahil nagsisimula na 'tong tumunog dahil sa mga messages at call na galing kay Cal. For some reason, there's a little guiltiness inside my chest.
I mean, I did not reject him. Hindi ko sinabi na 'di na ako makasisipot. I knew a little about him. He might be the most stubborn man I have ever know but he's somehow . . . True to his words.
"Chelsy."
I looked up. Si Amethyst na naka-jacket din ang nabungaran ko. She did not look happy nor sad to see me. Wala na rin akong pake pa. Basta ay, hiling ko, matapos nito ay tantanan niya na ako.
"There's a small portion of me that thought you would not come here," simula nito at umupo. "Mabuti na lamang at may lakad din si Cal. We were just dating in a coffeeshop."
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romance"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio