C H A P T E R 1 4

16 5 0
                                    

"How's life as a student?"


Natigilan ako sa tanong ni Mama bago ngumiti. Of course, kahit wala naman silang sinasabi sa akin na dapat matataas ang grades ko ay ramdam ko na mataas pa rin ang expectations nila.


"Maayos naman, Ma. Kampante ako sa mga marks ko."




"Dapat lang. Do not stress yourself too much," komento ni Papa na naghihiwa ng steak. Gwapo pa rin naman siya kahit medyo matanda na. Maliksi pa rin at kaya pang maging aktibo sa usapan. "Anyway, I am wondering if your Mom already told you about this but, have you ever imagined yourself working in our hospital, soon?"



Nagkatinginan kami ni Kuya. "Pa, we should not trigger her to do something she does not like--"



"Nope, okay lang, Kuya. Gusto lang naman magtanong ni Papa, eh . . . And I want to become a nurse, Pa." Napangiti silang lahat sa akin. "Alam ko po na higit pa sa profession na iyan ang ni-expect niyo sa kin -- like doctor, pero kontento na po ako sa pangarap ko."



Katahimikan.




"That is still amazing! Nurses and doctors work under the same field so I can't see any big difference!" si Papa na halatang gustong pagaanin ang usapan. "Piliin mo kung saan ka sasaya, Chelsy, anak. Remember that you are successful once you are happy."



Tumango-tango kaming lahat.



Sa wari ko ay ito ang pinakaseryosong usapan namin about sa future ko. Akala siguro nila ay nag-jo-joke lang ako noon nang sinabi ko na gusto kong maging nurse. Akala 'ata nila ay susunod ako sa yapak nina Mama at Kuya Rynierre.




"Since iyan ang gusto mo, naisip ko tuloy ang Kuya Rynierre mo. For sure ay magkakasundo kayo noon," nabanggit ni Mama. Medyo madilim ang paligid dahil mga kandila lang ang pinili naming gawing ilaw pero hindi makakatakas sa akin ang pagtulo ng luha niya.



"I can guide her, though," si Kuya Adrian. "Magaling 'ata ako sa medicine, right, Chelsy?"



Humalukipkip ako. "No comment."



"Ikaw naman, Adrian, kumusta ang pag-aaral?" napunta ang atensyon ko kay Kuya nang nagtanong si Mama. "May tiwala kami sa 'yo kaya hahayaan namin na kunin mo ang kurso na iyan. Alam mo naman na gusto ka ipapasok ng Papa mo sa military school noon, 'di ba?"



Bata pa ako noong pinagsabihan si Kuya dahil ayaw niyang maging kagaya ni Papa. Ang totoo ay hindi matanggap ng mga magulang namin na mag-aabogado si Kuya. Para kasi sa kanila ay makasalanan ang maraming mga abogado. Mulat kasi kami sa mga abogadong binabayaran para ipaglaban ang mali dahil natural na 'yon sa field nila. Ang plano na talaga ni Papa no'n ay sumunod si Kuya sa mga yapak niya.



"'Yong anak ko na lang ang ipapasok ko sa military school, Pa," joke lang ni Kuya at nagpigil ng tawa.



Batid ko na pagkatapos ang ilang oras ay hindi na naman kami madalas magkakasama kaya ay sinulit ko ang pagkakataon. Sinabi ko sa kanila ang palaging nangyayari sa school. Pati 'yong nangyari na away kanina sa school.



"Bad influence ang ganoong mga tao. You should stay away from that kind of man, Chelsy," si Kuya Adrian. Naku, 'di ko tuloy mapigilan ang sarili na hindi alalahanin ang nangyari kanina.



A fucking jerk called you 'pretty' and now you're damn bragging? Truth is, you're not fucking pretty. . ."



Ano ba ang pinuputok ng butse ng lalaki na ito? At ano ba'ng sinasabi niya riyan? Kailan pa ako naging mayabang dahil lang sa maganda ako? At higit sa lahat, papaano niya nalaman ang tungkol riyan?



Towering the Flames (SS#2) Under Major RevisionWhere stories live. Discover now