C H A P T E R 13

13 4 2
                                    

"Pautang. . .?"



Napatingin ako kay Johoney nang ipakita niya ang palad sa 'kin. Kumuha lang ako ng twenty pesos sa wallet at binigay sa kaniya. Bumalik ang mga mata ko sa phone.



Rynierre : Mag-aral ka nang mabuti. Call me if you need something.



Napangiti ako at 'di na siya ni-reply-an. Sapat na sa 'kin ang mabasa ang message niya.



Naikuwento ni Kuya Adrian sa 'kin noong nagkausap kami na madalas niyang nakikita ang mga magulang namin na umiiyak, marahil siguro ay dahil sa sinisisi nila ang sarili sa pag-alis ni Kuya. 'Di ko tuloy maiwasang 'di matahimik nang maalala ang mga paalala ni Kuya Ry sa 'min.



Dapat 'wag naming sabihin sa kahit na sino na nag-uusap kami. Dapat 'wag naming ipapahalata na ganito, ganiyan.



"May iniisip ka?" Lumapit si Pearly sa 'kin.



Napasinghap ako nang wala sa oras at malungkot na umiling. Gusto ko sanang ikuwento sa kanila ang nangyari. Pero bawal. 'Di naman sa 'di ko sila pinagkatitiwalaan. Sadyang, sumusunod lang ako sa usapan naming magkakapatid.



"Wala. Namomoroblema lang."



"Sino'ng namomoroblema?" Kakarating na Johoney na may hawak nang coke.



"Wala." Yumuko ako kaunti.



"Sabihin mo sa 'min. Makikinig kami," mas lalo akong nanlumo sa sinabi ni Allysa. Iyon ang kaya pero 'di ko dapat gawin. Muling nagsalita si Allysa. "Binabagabag ka ba ng Cal na 'yon?"



Nanlaki ang mga mata ko.


"Cal?!" si Johoney, niyuyugyog ako.



"Cal?!" si Pearly na 'di rin makapaniwala. "You mean, Ramirez?!"



"Tumigil nga kayo," suway ni Allysa, nakatingin pa rin sa 'kin, hinihintay ang sagot ko.



"Hindi siya. Ahh, basta," sagot ko na lamang. "Family problem pa rin-- as usual."



"Pero bakit Cal?" si Johoney, nanlalaki pa rin ang mga mata, sabay baling niya kay Allysa. "Ba't mo nabanggit si Cal?"



"Oo nga!" pag-se-second voice naman ni Pearly.



Nagkatinginan kami ni Allysa at sabay na bumuntong-hininga.



Kanina kasing umaga noong nasa gate kami ay nagpaalam sina Pearly at Johoney na bibili muna ng candies sa canteen. Syempre ay hinintay namin sila roon malapit sa flagpole. Sa isang minutong paghihintay ay biglang dumating si Cal na ngiting-ngiti.



"Have you seen Amethyst?"



Nagkatinginan kami ni Allysa nang 'yon ang tinanong niya sa 'kin, parehong nagtataka sa biglaang pagsulpot ng lalaki.



"Hindi," ako na ang sumagot dahil sa 'kin naman siya nakabaling.



"Kararaan lang ni Amethyst 'tapos 'di mo napansin?" panghahamon niya pa sa 'kin na 'di ko gets kung bakit niya ginagawa.



"'Tapos?" si Allysa na ang sumagot. Mabuti na rin 'yon dahil wala akong maisip na sagot sa tanong ng lalaki.



"Wala naman," bulong ng kaharap namin, may mapaglarong ngiti sa mga labi. Panay ang tingin niya sa 'kin kaya halatang may inaabangan. "Hindi mo talaga nakita? E', dumaan nga 'yon."




"Malay ko ba kung nakatalikod ako noong dumaan siya," nasabi ko. Nagtaas naman siya ng kilay. "At bakit mo ba sa 'kin tinatanong 'yan? Hinahanap mo siya sa 'kin 'tapos alam mo naman pala na kararaan niya lang?"



Towering the Flames (SS#2) Under Major RevisionWhere stories live. Discover now