"Stop bothering me, Chelsy. May ginagawa pa ako!"
Galit akong tiningnan ni Kuya Adrian, pero ang mga mata niya ay muling bumalik sa laptop. "I said stop-- Why can't you just leave me alone?!"
"May nakita akong babae sa laptop mo! It's really a woman and I am expecting that she's your girlfriend or a fling! Well, mas malaking tyansa na girlfriend mo 'yon because you flirting is not part in your vocabulary."
"Just..." He panicked. Nakikita ko sa mga mata niya na wala siyang masabi. Kasi totoo 'yong sinabi ko na nahuli ko talaga siya. He was smiling and his giggles were the proof that he's in love! "Mind your own laptop, Chelsy Cattaneo. You are not funny anymore," saway niya sa 'king muli.
"Babae 'yon, eh! Ka-chat mo pa nga 'ata!"
Napakamot siya sa sariling batok. Oh my God!
"You're misunderstanding everything. Seryoso, unahin mo na 'yang mga school works mo. You can gain nothing by teasing me."
"So, you are being teased, huh?" Humagikhik ako.
"Stop--"
"Gusto ko lang naman magtanong pero 'yong dating pala noon is panunuya na kasi 'yon talaga ang pagkakaintindi mo." Kinurot ko ang tiyan niya at halos mapatalon na ako sa kilig nang nagpigil siya ng ngiti. Oh, see? Hindi ako maaaring magkamali dahil malinaw 'tong mga mata ko. "Kuya, sabihin mo ang name. Promise, 'di ko sasabihin kahit kanino."
Madrama siyang bumuntong-hininga. "Wala akong pangalan na dapat sabhin. Stop bothering me." Masungit niyang isinara ang laptop 'tapos parang ewan na nag-type kahit na natakpan naman na ang keyboard. Panay na tuloy ang tawa ko kaya kaagad niya ring na-realize ang ka-shungahan.
"Uuwi si Mama ngayon since sinabi ko rin sa kaniya na nandito ka," paglilihis niya ng usapan. "And, yeah, Ry and I talked."
Doon ako natigilan. Napawi ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ko at kaagad napanganga. Natuwa ako sa narinig pero mas umapaw ang pagtataka kaya 'di ko magawang makapagsalita kaagad. Ewan ko kung panaginip ba ang nangyayari ngayon o ano. Basta ang alam ko ay masaya ako. Masayang-masaya na tipong binabalot na ng mga luha ang mga pisngi ko.
"What a crybaby." Tumayo si Kuya at ipinasandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. "I promised to you that we'll find him, right? Then ngayon nakita na natin siya."
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang buwan ang nagdaan simula noong umalis siya nang 'di nagpapaalam. Walang kalalagyan ang saya ko ngayon. Sa wakas, si Kuya Ry. . .
"P'wede ko naman na siyang makausap ngayon, n-no?" parang bata kong bulong. Tumutulo na ang sipon ko pero wala na akong pake dahil ang mas mahalaga ay sa wakas natupad na rin 'yong isa sa mga hinihiling ko na mangyari. "Thank you, Kuya. You have no idea how happy I am now. . . 'Di ko alam kung paano kita mapasasalamatan."
Humiwalay ako sa kaniya dahil na-basa ko na ang t-shirt niya. Pareho kaming natawa nang mapansin namin 'to.
"Stop crying, will you?" mapagbiro niyang sabi at pinitik ang noo ko. "At isa pa, miss na miss ko na rin ang kapatid ko na 'yon."
"Anong nakalap mo patungkol sa kaniya?" 'Di na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Sabi mo nag-usap kayo, 'di ba? Edi ano'ng sinabi niya?"
"He's fine. Kamag-anak din naman natin ang kasama niya ngayon. Well, sadly, I can say that he's not fixed yet."
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romance"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio