"Madalang na lang po ako kung bumisita sa bahay, tita, e'. But my parents and I are always communicating through social media," si Allysa.
Everyone is so busy exchanging thoughts about whatever. Napakarami rin kasing mga tanong nina Papa at Mama sa mga kaibigan ko. Pansin ko rin sa mga mata nina Allysa, Pearly, at Johoney ang pananabik, siguro maliban sa close sila sa parents ko ay na-mimiss din nila ang mga parents nila.
It's almost nine in the evening, by the way. Kanina pa kami rito sa hapag but no one dares to mention that. Ako naman . . I have no intention of ruining their topic, but the moment I think of a reason for me to go out , I must speak my thoughts up.
Papaano na nga ba 'to? Ano ba ang mabentang rason para kina mama at papa? Buy project materials? Pero magtataka ang mga kaibigan ko knowing the semester just ended at wala namang proyekto na pinapagawa sa 'min. Should I tell them that am about to meet someone? Pero magtatanong sila kung sino!
Desperately, I logged into my Facebook account. Napa-yes ako nang mahina nang makita na online si Kuya Adrian. Sa palagay ko ay online siya pero hindi para makipag-chat pero umasa pa rin ako.
Chelsy: Kuya, favor naman, oh! Nandito kasi sina mama at papa. And . . . Wala akong makitang ibang rason para payagan nila akong umalis sa ganitong oras. Help me, pretty please.
I almost insert all the begging-looking emojis I know.
Kuya Adrian: For what? Gabing-gabi na. Saan ka na naman pupunta? You alone? No, just stay there.
Chelsy: It's very important! I promise, magpapahatid ako sa 'yo. May aaminin din kasi ako. Please, kuya, gusto ko lang ayusin mga pinaggagawa kong kamalian.
Kuya Adrian: I don't know what you are talking about. You just interrupted my me time!
I laughed while replying
Chelsy: Kahit ngayon lang, eh. And please, kapag nandito ka na, sabihin mo lang kina mama at papa na papasyal tayo! I will act surprised na rin, okay?
Kuya Adrian: Parang baliw 'to. But all right. I will be there.
I smirked mentally. Kinain ko na lang ang guiltiness sa pagkakaalam na dinisturbo ko ang pagpapahinga ni Kuya. But I am so desperate now. By the way, wala na rin akong ibang pagpipilian pa kundi sabihin sa kaniya ang totoo ngayong gabi. Ihahatid niya ako patungong frathouse at siya rin ang maghihintay hanggang sa makausap ko na si Cal. Syempre ay magtataka siya at magtatanong.
"Oh, we have a visitor!" Mom softly exclaimed after hearing a car's engine. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko, habang deep inside ay kinakabahan na ako. Nagpaalam sina mama at papa na ba-baba sa sala.
"I think it's your brother, Chels," si Allysa.
"Ewan," I answered. "Hindi siya nag-text, eh. Pero alam niyang narito sina mama at papa ngayon."
"Oh my God!" Nagtakip ng bibig si Johoney. "Si laluvs!"
Kinurot siya ni Pearly. "Lahat na lang crush mo! Pati yong Kuya Ry ni Chels ay type mo rin!"
"Tse! Nagmana lang ako sa 'yo, ah!"
At nagpatuloy ang sagutan nilang dalawa.
"Tumigil na nga kayo. Nakahihiya sa kuya ni Chels kung siya nga talaga ang dumating," Allysa.
"'Ayan tuloy!" kantyaw ni Pearly kay Johoney.
"Ano'ng ako?!" Lumobo ang bibig ni Johoney.
Meanwhile, I heard incoming footsteps. Hindi nga nagkakamali ang mga kaibigan ko. Kuya Adrian is looking clean in his white polo and khaki slacks. Ang kanang siko niyo ay may bitbit na black jacket. Nagkatinginan kami, at sinimangutan niya ako.
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romance"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio