CHAPTER 29

13 1 0
                                    

"Are you sure?" Cal asked me one more time.

Tinanguan ko ulit siya at pinilit na pumasok na sa kotse. Hindi ko na kailangan pang sabihin kung ano dahilan ng pagbabago ng mode ko dahil namataan din niya kaagad ang mga kaibigan ko, na nagresulta para bumigat din ang awra niya.

"You don't need to face this alone, Chelsy. We're partners. We will explain to your friends."

I gasped as I closed my eyes. Naiintindihan ko naman ang hinaing niya pero 'di kasi 'yon ang nakikita kong solusyon ngayon. It's better if I explain alone. Hindi pa ngayon ang oras para idamay si Cal.

"Okay, text me if you need me," he whispered as he kissed my hair. Ang mga mata ko ay sinundan ng tingin ang mga kaibigan kong papasok na sa building. "Update me, okay? Don't hesitate to tell everything to me."

"Yes," was my reply and tiredly followed my friends, half-running. Narinig ko naman ang sasakyan ni Cal na umalis na kaya tuloy-tuloy na ako.

"Pearly, Johoney," bulong ko nang nasa loob kami ng elevator. Tahimik. Hindi ako nasanay dahil palaging maingay ang dalawa lalo na kapag kasama ako. I can't be able to read their minds but their eyes express a lot, making me feel guilty. "What you saw ... I am sorry. Allysa..."

"Stop worrying about us," ani ni Allysa na diretso lang ang tingin sa pinto ng elevator. "Pearly and Johoney already did know what is going between you and Cal."

"H-ha?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. I sounded so desperate. Pero wala na akong hiya pa, basta ay gusto kong makompirma ang sinabi ni Allysa. What did she mean by that? "Talk to me, guys. I am begging you."

"Chelsy..." Pagod, sumulyap si Pearly sa 'kin. I am not used to entertain this serious face of hers. Pagod na alam kung 'di dahil sa acads. "Disappointed ako. Kami. Kung 'di mo kami nahuli na nakatingin sa inyo kanina, 'di ka magkukusang-loob na mag-first move sa 'min."

Napayuko ako. "I am sorry."

"Pasensya ka na rin kung wala akong gana makipagbiruan ngayon. At pasensya na kung hanggang ngayon ay 'di pa rin kita maintindihan."

Naninikip ang dibdib ko sa narinig.

"You might me thinking that I fancy someone like Cal because of his looks. Pero, hindi, Chelsy, kinamumuhian ko ang mga lalaking kagaya niya."

Stop. Gusto ko siyang patigilin sa pagsasalita dahil alam ko na ang kabuuan ng mga sinabi niya. Alam ko na ang huling husga niya.

"Pero siguro hindi mo 'yon naalintana kasi tinatawanan ko lang ang lahat." Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko siya gusto para sa 'yo. Hindi ko siya kayang ipagkatiwala sa 'yo."

"Pearly, he's good," halos magmakaawa na ako.

"Of course, that's what you only see! Of course you'll defend him!" Biglang lingon ni Johoney sa 'kin. "You will only see the good ones over the bad ones because you're in love!"

"Is it my fault?" bulong ko, hindi kayang higitan ang lakas ng boses nila. "Is it my fault that I am in love with someone you all don't like?"

"That's not what we meant, Chels." Humarap si Allysa sa 'kin. "Pearly and Johoney are just trying to protect you. Friends want the best for each other."

Natatawa kong pinunasan ang isang patak ng luhang kumawala. I know, I know. Alam ko namang kahit kailan ay 'di sila sumalungat sa 'kin kung alam nilang 'di makasasama sa 'kin ang isang desisyon. I am aware how much they care for me.

Pero kasi naman ... Bakit pakiramdam ko bawal nang magmahal? Bakit pakiramdam ko isang kasalanan ang makita ang mga magagandang katangian ng isang tao?

Oo na-gets ko sila pero papaano naman ang husga ko?

Towering the Flames (SS#2) Under Major RevisionWhere stories live. Discover now