CHAPTER 21

19 2 0
                                    

"Sino'ng nagpapunta sa kaniya rito?!" mabilis kong tanong at sarili ko lang din ang nakasagot nang matandaan ang sinabi niya kagabi. "So this is what you really mean, huh, Ramirez?"

Hindi ko mawari kung ano ba ang dapat na maramdaman. Magulat kasi ginawa niya nga ang sinabi kagabi? Matakot sapagkat kausap niya sina mama at papa ngayon? O magalit kasi 'di niya man lang ako tinanong kung okay lang sa 'kin na makita siya rito?!

"Kayo na ba?" kinakabahang tanong ni Johoney sa 'kin habang sabay kaming pababa ng hagdan.

I stopped, ready to yell, "no! Hindi nga 'yon nagpaalam na pupunta rito, eh!"

"So, may communication pa rin pala talaga kayo?" Kinikilig na 'to, hindi ko nga lang masuklian. Wala naman kasing nakakikilig! "Come on, Chelsy, puwede ka naman na umamin sa 'kin!"

"Wala kaming masyadong communication at saka, 'wag ka ngang kiligin diyan!"

Tumawa lamang siya. Nasa sala pa rin sina Allysa at Pearly, nag-uusap marahil patungkol kay Cal. Bumaling sila sa 'kin, nagtataka. Sinenyasan nila akong lumabas ng bahay, at ganoon nga rin ang ginawa ko. Naramdamam ko naman na pagsilip lamang mula sa pinto ang ginawa nila.

"Mom," I greeted mom as though there is no war in my system. "Dad . . ."

In front of us is Cal. Tahimik pero nakangiti. I fight the urge to compare his height and dad's. He is way taller, at wala akong pakealam diyan. He's wearing a thick black jacket paired with a ripped jeans. Mukha siyang shoppe rider sa porma niya. But what I notice the most is that wala siyang panyo sa noo.

"Oh! I thought you're still showering, so I entertain him," she referred to Cal. "Someone just purchased a gift for you, I think."

"Ha?" I spaced out.

"May nagpabibigay po," halos panliitan ko na ng mata si Cal sa pinagsasabi niya. May nagpabibigay?! And he's smirking, huh? Nagpipigil ng tawa? Walang magawa for today's video kaya ako ang napag-trip-an? "Miss Cattaneo."

Naaasar kong tinanggap ang lahad niya. Malambot-lambot ang bagay na 'to, at sa palagay ko'y teddy bear ito. I can sense mom's confusion because of my reaction. Na imbes maging thankful dahil kuno may nagbigay sa 'kin nito ay parang galit pa ako sa mundo.

"Suitor?" Dad guessed, and I immediately looked at Cal.

"No!"

"He's not referring to the rider, dear," Mom laughed and caressed my cheek. "We just assumed na galing ang delivery na 'yan sa isang kakilala? Or manliligaw?"

I really can't believe my parents! Ang hilig nila akong tanungin sa bagay na 'to pero alam ko na kapag literal kong sinabi na may boyfriend ako ay magagalit naman! At sa harapan pa talaga ng lalaki na 'to pinag-uusapan! E', syempre mas lalong lalaki ang ulo nito!

"Do you know each other?" mom.

"Hindi ko alam kung kanino 'to galing, mom."

"I mean, nitong rider. Do you know each other?"

"Yes, ma'am," ang lalaki ang sumagot. Argh! Ang lakas pa ng loob ngumiti. Tapos kapag sa 'kin nakabaling ay nakangisi? "Magkakilala lang po."

"Thank you for delivering this. You may go now," imik ko at bigla silang tinalikuran. It's rude and I am aware of that. Tinawag pa nga ako nina mama at papa. Inaasahan ko na tuloy na pagsasabihan nila ako later. Samantalang ay tinawanan lang ako ni Cal.

"Ohy, si Cal!" tili ni Pearly nang magkatabi na kaming tatlo sa sofa. "Nagpaalam ba sa mga magulang mo na nililigawan ka niya?!"

"No!"

Towering the Flames (SS#2) Under Major RevisionWhere stories live. Discover now