C H A P T E R 17

7 1 0
                                    

"Allysa, let me explain."

Kaaalis lang ni Cal pero ramdam ko pa rin ang presensya at kaguluhang hatid niya. I know Allysa . . . She's a very understanding person. Pero kung ako siya and I was lied and betrayed by my close friend, I would feel very different. That's why Allysa acting cold is valid to me. Hindi na ako magtataka kung ayaw niya na akong makausap.

She hates liars. She despised them. Sa lahat ng bagay, maliit man o malaki ay ayaw niyang may nagsisinungaling sa kaniya.

"Hindi ko lang sinabi na . . . Magkikita kami kasi akala ko—" Kasi akala ko ... Hindi ko na madugtungan pa ang sariling sinabi. Narinig niya 'yon pero humakbang na siya papasok sa building nang 'di man lang ako hinihintay. Hindi kagaya ng nakasanayan na 'di niya ako pababayaang mahuli sa paglalakad.

Tears rolled down my cheeks. Dapat mo talaga siyang intidihin, Chelsy. She trusted you. Yet you betrayed her. Kung ikaw siya, baka sobra pa ang maramdaman mo.

Malalaking hakbang ang aking ginawa. At never talaga siyang lumingon sa 'kin. I then remember Pearly and Johoney. Kapag nalaman nila ang totoo, 'di ko na maisip ang magiging reaksyon nila.

Ang tanga mo, Chelsy.

"Ano, nabili mo 'yong sinasabi ko? Strawberry-flavored ice cream?" si Pearly at masayang lumapit kay Allysa.

Marahan, sinarado ko ang pinto nang 'di umiimik at doon napatingin ang lahat sa 'kin.

"Sakto, Chels! Mag-picnic tayo!" Si Pearly at nilagpasan si Allysa na wala pa ring imik hanggang ngayon. I watched her putting the food in the table. Nakangising Johoney ang namataan ko na nakaupo sa sofa, walang alam sa nangyayari.

"Ano'ng gusto niyong panoorin? Nakaka guilty na manood dito nang mag-isa tapos kayo— hays!" hinaing ni Johoney at tumayo para tulungan si Allysa. "Natagalan ka 'ata? Siguro may iba kang binili na tinatago mo lang ngayon sa bulsa mo?"

Siya lang ang natawa sa sariling biro at si Pearly. I swallowed hard and tried to look okay.

"Oops, may problema ba?" Lumingon si Johoney sa 'kin nang nakangiwi.

"Pangit kasi ng joke mo. 'Di tulad ng sa 'kin na pang-international," si Pearly at humalakhak, sabay akbay sa 'kin at bumitaw kaagad para lumapit sa lamesa. I watched them being together and I felt more guilty. How dare me to lie to these people. I should have acted right. I should have considered the possible bad outcomes.

"Kumain ka na, Chelsy," Allysa told me. Namungay ang mga mata ko. She never looked at me that short. Hindi tulad nang dati na magkatitinginan kami at matatawa. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko kakakompara sa noon at ngayon.

"Oo nga! Nasaan na pala 'yong libro na sinasabi mong bibilhin mo? Pahiram, ha!" ani ni Pearly na muling nagpalunok sa 'kin. Napatingin sandali si Allysa sa 'kin.

"She didn't find the book she wanted to buy. Bukas, samahan natin siyang maghanap," Allysa.

"Okay!" si Johoney, nilalantakan ang icecream niya.

Slowly, I walked towards them. Naglahad ng plato si Johoney na kaagad kong tinanggap. Umupo ako sa upuan na nasa harapan ni Allysa. Kung gaano kami magkalapit sa isa't isa ay ganoon naman siya kailap kung bumaling sa 'kin.

Napansin 'yon ni Pearly kaya minsa'y pabiro niya kaming tinanong kung ano ang nangyayari pero umakto lang si Allysa na wala siyang narinig sa usapan namin ni Cal.

"Mag-print ka na because the deadline is tomorrow."

'Yon ang huling paalala ni Allysa sa 'kin noong gabing 'yon. I said "thank you" but she didn't respond. Which is normally hindi niya naman ginagawa. Madalas ay tumatango siya at ngumingiti kapag nagpapasalamat ako.

Towering the Flames (SS#2) Under Major RevisionWhere stories live. Discover now