"Chix, ah. Saan ka?"
Natigil ako sa paglalakad sa tanong ni Pearly. Nakahiga siya ngayon sa sofa habang katabi sina Allysa at Johoney, nanonood ng comedy movie. H-in-ead to foot pa nila ako kaya mas lalo akong na-conscious.
Pumasok tuloy sa isip ko kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo- na makipagkikita ako kay Cal ngayon o magdadahilan na naman. I could also just tell them na gusto ko lang pagsabihan si Cal patungkol sa isyu niya ngayon, pero hindi ko napaghandaan ang ibabato pa nilang follow up questions.
"Kikitain ko si uhh..." Nagkamot ako ng batok. "Si Kuya Adrian sa apartment niya. May ibibigay raw kasi. He is too busy kaya ako na lang ang lalapit sa kaniya," pagpapaliwanag ko.
"Okay," sabay-sabay nilang sagot, at 'di na nagtanong pa. Thank you, Lord! Salamat na rin sa movie na pinapanood nila dahil kung 'di lang sila distracted rito ay baka isang oras pa akong i-interview!
Hinanap ko kaagad si manong para magpahatid. Ka-tetext ko lang kay Cal kanina na no need nang sunduin ako. Hindi nga lang siya nag-reply pero atleast ay na-inform ko na 'to at 'di na pumunta rito.
Hinahanda na ni Manong ang sasakyan nang may kotseng tumigil sa harapan.
"What are you doing here?" halos isigaw ko na 'yon. Habang parang wala lang sa kaniya na maaari siyang makita ng mga kaibigan ko! "Nag-text ako sa 'yo!"
"Hindi ako pumayag."
"Pero, argh!" Tinulak ko siya papasok sa kaniyang sasakyan matapos magpaalam kay Manong na kay Cal na lang ako sasakay. Natawa ang lalaki sa ginawa ko, mukhang gusto pa akong asarin.
"You look good," he complimented, gawking at me from heat to foot. Umirap ako. "No, I am serious. Ang ganda mo."
"Ilang babae na ang nasabihan mo nang ganiyan?"
Humalakhak siya. "Marami."
Umilag siya nang hinampas ko sa kaniya ang dala kong sling bag. He started the engine with a ghost of smile in his face. Oh, acting like nothing happened, huh? Nakalimutan niya na 'ata na ang gurang na tulad niya ay pumatol sa bata kanina.
"We need to talk," panimula ko. "But before that, you should stop smiling like an idiot first."
"If that's all about that child, no thanks." He shrugged.
His driving skill is smooth, I can't deny it. Habang napapalibot tuloy ang tingin ko sa sasakyan niya ay napaiisip ako if ilang babae na ang nasakay niya rito at nasabihang, "you look good."
"Pinatulan mo."
"Yes."
"Ahy, proud?"
I could see the mixture of irritation and pain in his expression. He looks like he would like to explain something but he is sure na kahit ano pa ang sabihin niya'y kokontrahin ko pa rin siya.
"I wanna know what happened," bulong ko. "Balita ko junior high pa ang kapatid ni Warren. I have no idea on what way you did hurt him. You have no idea how it angered Warren, too. Kung sana'y may kapatid ka lang ay mararamdaman mo ang sakit."
Mas lalong namula ang mukha niya. Ginagalit siya ng mga salita ko at aware ako roon. But he's breathing in and out, calming himself down. Pinabayaan ko muna siya nang ilang minuto at noong tumigil na ang sasakya'y binuksan ko ulit ang usapan.
"Cal!"
Hindi man lang niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy lang ang pasok niya sa isang bar.
"Kahit kailan talaga! Ayaw makinig!"
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romance"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio