Nag-request ako ng leave for one week para makapagbakasyon kasama ang pamilya sa Boracay. Handa na ang lahat ng mga maleta ko at hindi na ako makpaghantay pa na makapagbakasyon nang may ma post na rin ako sa aking account.
It's been weeks since I last posted my photos. Nakaliligtaan ko nang mag-post dahil madalas nang abala.
"Dear ..." Mom's voice stopped me from adding more stuff in my bag. Umupo siya sa kama at bumalik ang mga alaala noong ginagawa niya rin 'to noong highschool student pa ako. At ngayong magkalapit kami, mas napagtuunan ko ng pansin ang pagtanda niya.
Time is indeed tickling and my parents are getting older. Malaking parte ng pagkatao ko ang nagagalak dahil natupad ko ang pinakahihiling nila para sa akin, which is ang makapagtapos ng pag-aaral. When I got my license for the first time, hindi nila maitago ang labis na saya. Pa-party rito, at pa-party roon ang ginawa nila.
"I am glad to have a long vacation with you. Noon, kung hindi isang araw, ay tatlong araw lang ang bakante mo. Do you have a problem?"
Nginitian ko lang siya. "Mom, of course I have a problem. Pero hindi naman siguro kalala ng inaakala mo."
"I am just thinking... That maybe you're having a hard time remembering your past with Cal."
Natahimik naman ako. I don't know if she's aware of Cal's consistent actions in calling and messaging me. Pero hindi naman na importante ang bagay na 'yan kaya hindi ko na lang tinanong.
"I am planning to talk to him, Mom."
Halata ang gulat sa mga mata ni mama. She seemed shocked and delighted. "If that's what you really want, then that's good! Matagal ko na talagang iniisip na mas makabubuti kapag binigyan mo ng chance makapag-explain ang tao. Dear... I know I always tell you this but, it's not his entirely fault. Naging malaking factor din kami ng dad mo, rason kung bakit gusto naming makabawi."
"I know, Mom, naiintindihan ko na kung bakit gusto mo kaming mag-usap."
"Hindi rin naman ako magsusumikap na amuhin ka so that kausapin mo siya kung hindi ako nakakakita ng maganda sa kaniya. Cal... Your ex-boyfriend is a good man, dear. I witnessed it years ago, at mas lalo niya pa 'tong napatunayan ngayon. You're the only one he has ever loved."
Wala na akong pagkakataon na tumahimik nang tumunog ang phone ko. I saw Cal's number in my screen. Kaagad ko 'tong sinagot dahil ramdam kong 'yon ang gusto ni mama.
"Yes?" I asked in a low voice.
"Chelsy..."
Pero hindi 'to boses ni Cal. Gulat akong napatingin kay mama bilang pinakaunang reaksyon. Hindi ako maaaring magkamali. It's been years since Amethyst and I conversed but I am sure that she's the one I am talking to now. Unang hula ko ay baka pinagtitripan na naman ako ng dalawa. Baka tuluyan na namang sumuko si Cal kaya hawak na ni Amethyst ang cellphone niya.
"Ano pa bang gusto mo? What's your intent?"
"Chelsy, please don't be mad."
Nabawasan ang inis ko nang marinig na tila nanghihina siya. Abala na tuloy ako kaiisip kung bakit ganito ang atmosphere.
"Magkasama kayo ni Cal ngayon?"
"Y-yes."
"Then ano pa?! Para saan ang pagtawag mo?" Pakiramdam ko ay malapit na akong sumabog. Sandamakmak na sama ng loob ang yumakap sa sistema ko. "Para ano? Para ipamukha sa akin na magkasama kayo?!"
"Chelsy..." Mom's worriedly tapped my shoulder.
"That's not my intention, Ch-Chels," her voice cracked. "It's just that... Ikaw ang pinaaunang contact na nasa cellphone niya. I called you after calling his relatives."
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romance"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio