"Mukha kang sasabak sa gyera."
Sabay tulak ni Johoney sa 'kin. Saktong pagdating ko rito ang siyang pagdating din niya. Ang problema nga lang ay 'di na ako nakangiti pabalik.
"Hoy!" pangungulit niya, naglalagay ng headset sa taenga.
"Oh?"
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Parang kahapon lang halos lumuwa na 'yang mga mata mo dahil kay Pearly." Sumimangot siya, at walang imik na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad. Naglibot-libot ako ng tingin para mahanap ang isang tao na naging dahilan kaya panay ang saway ni kuya ko sa 'kin kagabi.
"Si Cal!" tili ni Johoney, at kaagad ko namang binalingan ang direksyon kung saan siya nakamasid. At 'di nga siya nagkakamali; malapit sa fountain ay nakatayo lang naman ang isang lalaki na parang hari habang nakamasid sa kaniyang mga nasasakupan. "Gusto ko sana siyang puntahan, kaso nakalimutan ko ang calculator ko sa bahay," mangiyak-ngiyak na sabi Johoney sa 'kin.
"Gusto mo bang samahan kita?" Naiintindihan ko siya. 'Di maaaring wala kaming hawak na ganoon kasi 'yon lang ang pwedeng gamitin kapag math time na.
"'Wag na!" Nagmamadali siyang nag-beso sa 'kin. Kinagat ko ang sariling pang-ibabang labi at napalingon sa may banda ng lalaki. Balak kong hintayin na bumalik si Johoney, kaya hanggang may libre pa akong oras ay dapat ko na 'atang kausapin ang lalaki na 'to.
Gumawa ako ng mga hakbang papalapit sa kaniya kahit... Medyo napapaso na ako. Wala pa namang araw pero pakiramdam ko ay ang bigat-bigat na ng dibdib ko.
"Lalaki," tawag ko sa kaniya, at naagaw ko ang atenson niya. Napalingon siya kaya mas lalo kong natanaw ang itsura niya; himala at naka-complete uniform na siya ngayon! At, wow! May ID na rin siyang suot! Nasa maayos na style na rin ang buhok niya kaya mas lalong 'di ako nakapagsalita!
"Yeah?" natatawa niyang sagot mayamaya. Pareho kaming umayos ng tayo, at muli siyang nagsalita. "Ang aga-aga parang gusto mo na naman ng away?"
Agad akong umiling! Woy! Plano ko talaga siyang awayin ngayon kasi nga nasira na ang name ko kay Kuya Adrian kagabi! Naaalala ko pa nga ang mga pinagsasabi ng kuya ko na 'yon! Sabihin ba naman na dapat ay 'wag muna akong magkaroom ng ganito ganiyan kasi nga bata pa ako. Syempre, dahil alam kong 'di 'yon totoo ay pinaglaban ko ang sarili pero dahil nga sa isa siyang law student ay ako pa rin ang 'di nakapagsalita sa huli.
"Parang bagong buhay ka na, ah?" Ngumiti ako. Pero parang iba ang naging dating no'ng sinabi ko sa kaniya dahil nakita ko ang mapait niya na pagngisi na para bang nakakairita na ako. "I mean," kaagad kong ani. Kagabi ay panay ang paliwanag ko tapos ngayon ay puro paliwanag na naman. "I mean, ngayon lang 'ata kita nakitang naka-ganiyan. Alam mo na. . . Complete inform. 'Yong bang, para ka nang isang normal na estudyante."
"So are you saying that I was not a normal student before?" Marahan na gumalaw ang panga niya, halatang naiinis ko na naman. "You know, if you are just gonna bully me, just do not talk to me--"
"Hindi naman sa ganoon!" I cut him off.
Mahirap na! Masyado niyang nilalagyan ng ibang meaning ang sinasabi ko! Sadyang nagulat lang talaga ako. Mostly sa mga students ay napapatingin nga rin sa kaniya at manlalaki ang mata. Breaking news na rin 'to. Cal Ramirez is finally wearing his school uniform. Let's celebrate!
"Pumunta ka mamaya," sabi niya matapos ang katahimikan. "I won't force you. Since mas lalo kang 'di pupunta 'pag pinipilit."
YOU ARE READING
Towering the Flames (SS#2) Under Major Revision
Romance"They say I am the fire that will destroy you. But they're wrong. Because you're actually the flame that towers over me until I become ashes. But darling, I am your willing victim." Book cover by : Princess Paguio