CHAPTER: O4

262 10 2
                                    

Pagdating sa bahay, agad kong nakita si Trixie. "Romeo!" Bati niya sa akin. Tumango ako at tinaas ang kamay at tinuro na aakyat lang ako sandali. Narinig ko pa na nagreklamo sila Ace na ako lang ang binati at hindi sila sinama. Mga baliw talaga. Napailing na lang ako. Pag-akyat ko sa taas ay agad kong inayos ang gamit ko. Buti na lang at si Trixie lang ang nasa bahay ngayon at wala yung iba kong baliw na pinsan. Napagpasyahan ko na mag online sa facebook dahil doon sa sinabi ni Ace. Nagbabaka-sakali na baka inadd rin niya ako.




Pero pagbukas ko ng account ko, walang nakalagay sa friend requests ko na America Perez. What the? Bakit si Ace lang ang inadd niya? Or inadd rin niya kaya si Travis? Paano pag ako lang ang hindi inadd? Bakit ko ba kasi iniintindi yun? Parang abnormal ka, Rome. Bumaba na ako papunta ng living room para makipag-bonding sa kanila. "Oh? Nakita mo ba yung America? Ganda no?" Sabi ni Trixie habang kumakain ng nachos. Kumuha ako ng nachos at tumingin sa kanya.




"Wala akong pakialam sa kanya, Trix." Nakita ko na nagtinginan si Travis at Ace. May alam kaya sila sa ginawa ko noong nag island hopping kami? Wag naman sana. Kasi pag nalaman nila, sigurado akong mamamatay ako.



"Sus, kunware ka pa." Patuloy lang ako sa pagkain at hindi na lang siya sinagot dahil wala rin namang pagtutunguhan ang usapan namin. Dahil kung pilit kong sabihin na wala, ay ipipilit naman niya na meron. Kaya wala rin saysay ang paguusap namin kung magtatalo lang rin naman kami sa isang bagay. Mas mabuti na yung manahimik na lang kaysa patuloy na sumasagot pero sa huli ay ganoon pa din naman.




Mga ilang oras lang ay dumating si Mia kasama si Rocker. May dala dala silang grocery, syempre mga chichirya at kung ano ano ang laman noon para may makain sila. Pero ang hindi ko alam kung bakit ba tuwing nandito ako sa bahay ay nandito rin sila. Ano ba'ng meron dito sa bahay namin at lagi silang nandito? "Hey bro!" Bati sa akin ni Rocker. Tumango na lang rin ako dahil wala ako sa mood. "Kamusta? Balita ko daming hot girls doon ah?"




"Ay sinabi mo pa! May papakita ako sayo, Rock, ganda!" Sabi ni Ace, lumapit naman si Rocker kay Ace. Habang si Ace ay nagmamadaling magpakita ng picture ng babaeng sinasabi niya. "Oh, ganda ba?"



"Woah, sino yan? Add ko rin sa facebook!" Nakinig lang ako sa usapan nila dahil wala naman kasi akong mapapala kung sasali ako.



"America Perez, sobrang ganda! hot at sexy." Pero doon sa sinabi ni Ace parang natigilan ako sa pag-nguya sa kinakain ako. Si America yung pinakitang picture ni Ace kay Rocker? Bakit sa daming babae doon sa team building bakit yun pa? Pwede naman yung mga pinsan niya ah? Magaganda rin naman ang mga yon.



"Gusto mo yun no?" kinilabutan ako bigla nang bumulong sa akin si Trixie. Ang bilis kumilos nitong babaeng to ah. Kanina may space pa kami, ngayon nasa tabi ko na.



"Wala ah, tigilan mo ako. Nananahimik ako dito." Saway ko sa kanya.

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon