CHAPTER:15

187 8 0
                                    





I started driving my car away, paalis na ako ng Valk. Sinamahan ko si Calvin to meet his highschool friends and then I got tired kaya nauna na ako. Hindi na ako nagpahatid pa sa kanya dahil dala ko ng ang kotse ko. The stoplight turned red, so I stopped. Ang dami kong iniisip, wala naman akong trabaho pero hindi ko alam kung bakit sobrang dami kong iniisip. Sinaksak ko ang phone ko sa aux cord para makinig ng music. It was on shuffle mode and the first song to play is Cry Me A River. Hindi ko na lang pinansin... 




It's been two days simula ng paguusap namin ni Rome. I left after he said that. Ewan ko, umiiwas ako sa drama ngayon. Pagdating ko ng bahay there's a matte black Porsche outside. Im sure it's not my cousins. Wala kaming Porsche, we have Ferrari and Mercedes, -mine is Mazda- pero we're not fond of Porsche. I beeped so our houseboy can open the door. Habang pinapasok ko ang kotse napansin ko na sobrang daming ilaw ang nakabukas, bukas ang ilaw sa kusina, living room at sa second floor. Anong meron? 




Lumabas ako ng kotse and started playing with my keys. Nasa harapan pa lang ako ng main door namin ay rinig ko na ang ingay. I opened the door, I saw my Mom and Dad, Lean, My Cousins, Tito and Tita and Rome. Why is he here? Hindi ba siya pinaalis ni Daddy or something like that? Sila Elijah? Nag-bless ako sa tito at tita ko, pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit siya nandito. "Hi, Mom!" Humalik ako sa pisngi niya. "Hindi ka nagsabi na dadating kayo, sana nagdala ako ng pagkain!" 




"Biglaan lang din, your Dad suddenly threw a party. Kaya they're all here." Ngumiti siya sa akin. Napatingin ako kay Rome na nakikipaglaro kay Lean. "Your Dad wants to settle something with Rome." 




"For what? I thought, hindi sila magkasundo?" Tumingin ako kay Mommy. Naririnig ko na naguusap si Daddy at Tito Tristan pero hindi ko na pinakinggan pa. 




"It's business, Ica. Magkaiba sa relasyon ninyong dalawa." Tumango na lang ako. Nagpunta ako sa mga pinsan ko at nandoon rin si Rome. Biglang tumili si Jashmine at pinalo ako sa braso. 




"Jash!" Saway ko sa kanya. "Masakit sa tainga!" Inirapan ko siya. Napansin ko na tumingin sa akin si Rome kaya umayos ako ng upo. 




"Saan na naman kayo pumunta ni Calvin ha? Napapadalas ang labas niyo huh!" Is she doing this on purpose? Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko. 




"Galing kaming Valk. Sinama niya ako sa reunion kuno ng highschool friends niya. It was fun though." Ngumiti ako sa kanya. Nahagip ng tingin ko si Rome na parang natigilan sa paglalaro nila ni Lean. Wala naman akong plano na sabihin sa kanya yon pero okay, nasabi na rin naman na.. 

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon