CHAPTER: 29

142 10 0
                                    

PLEASE DO READ ONE MISTAKE, IM DEAD & ADD IN IT YOUR LIBRARY! YAY! POSTED NA ANG INTRODUCTION!!

--------------------

"Ang lamig!" Sabi ko pagkatalon sa swimming pool. "Tumalon ka na!" Sabi ko kay Rome at tumawa. 


Tumalsik ang tubig sa mukha ko pero nagawa ko pa ring tumawa. Inangat ni Rome ang ulo niya mula sa tubig at umiling iling para matanggal ang tubig sa mukha niya. 


"It's fun right?" Tanong ko at mas lalong lumapad ang ngiti ko.


Nights like this are my kind of nights.


"Oo! Sa susunod ay dadalhin kita sa Tinuy-an, sa Davao!" Sabi niya sa akin at ngumiti. 


"Anong meron doon?" Tanong ko sa kanya. 


Wala akong time para magpunta ng mga lugar sa Davao, hindi ko man lang natikman ang durian nila. I heard na meron silang durian chocolates! Hmm, gusto kong bumalik doon!


"Falls iyon sa Davao, pwede rin kitang dalhin sa Enchanted River! O di kaya mag island hopping tayo sa Britania!" Lalo kong gusto bumalik sa Davao dahil sa mga lugar na sinasabi niya. Sounds exciting! 


"We should book a flight soon! Gusto ko mapuntahan ang mga sinasabi mo." I heard things about Enchanted River, maganda daw ang tubig doon at kitang kita mo ang mga isda dahil sobrang linaw ng tubig. At ang alam ko rin ay sobrang lalim ng river na iyon. 


"After the bidding or kapag hindi ka na busy." 


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Crap! Yung bidding, bukas na hindi ba?" 


Ang expected ko na reaction niya ay magugulat siya, pero hindi. Nanatili siyang nakangiti sa akin na para bang okay lang ang lahat. 


"We should go home." Sabi ko sa kanya.


"Ngayon na?" Tanong niya sa akin.


I don't even know what time is it. Hindi ako pwedeng malate or mawala doon sa bidding bukas. I am so dead! 


"Oo! I need to be there, at ikaw rin." 


"Aalis tayo ng four in the morning. You should get some sleep first." Ngumuso ako. "Ahon na." Tumango ako at lumangon papunta sa hagdanan para umahon. 


Nang makaahon kami pareho ay inabutan niya ako ng twalya. Binalot ko iyon sa sarili ko dahil basang basa ako at nilalamig na rin ako. "Get inside and clean yourself." 


Pumasok kami sa loob ng bahay at hinatid niya ako sa harap ng kwarto. "I'll wake you up, dont lock the door." Paalala niya sa akin. Tumango ako at binuksan ang pintuan. "Goodnight." 


"Goodnight." Ngumiti ako sa kanya at sinarado na ang pinto. Agad akong tumakbo sa banyo para malinis ko ang katawan ko. 


After that I grabbed some pajamas at hinanda ang kama ko para makatulog na. It's almost twelve so I need to sleep. 


Pero bago ako matulog ay nagsend ako ng message kay Rese. I know she'll kill me tomorrow morning--everyone will. Nawala ako ng walang pasabi sa kanila, hindi pa kami nagkakaayos but we need to face everyone tomorrow as a family. 


To: Rese

Im here at Zambales, I'm with Rome. Don't worry, Im safe. I'll be back tomorrow morning. 


Pagkatapos nun ay pinilit ko ang sarili ko na matulog na. 


Nagising ako sa isang yakap at halik sa aking pisngi. "Stop it." Sabi ko habang nakapikit pa rin, I know it's Rome at alam ko na kailangan ko na gumising pero I still want to sleep. At least five minutes. 


"Come on, baby. Wake up.." Husky ng voice niya. Wooh! Shet nagigising ako ng di oras! 


Hindi na ako sumagot at dinilat ang mata ko. Nakahiga siya sa tabi ko kaya umupo ako at dinaganan siya. "Shh, five minutes." Pumikit ulit ako. Ah! I want to sleep! Nahihilo pa ako. 


"Baby, wake up or else.." 


"Or else?" Ngumiti ako, mukha akong tanga dahil nakatngiti ako habang nakapikit. 


"The birth rate on July will increase." 


Tumawa ako sa sinabi niya. "Ikaw ah! Pinagnanasaan mo ako!" Tumayo na ako para matapos na. "Labas! Magpapalit ako." 


"Bidding starts at twelve, if ever na hindi traffic makakarating tayo by seven in the morning." Tumango ako at tinulak siya palabas ng kwarto. 


Kumuha ako ng shorts at gusto ko sana magsuot ng oversized shirt pero wala akong mahanap. "ROME! PAHIRAM NG TSHIRT MO YUNG MALAKI AH!" Sigaw ko para marinig niya ako sa labas.


Hinanap ko ang phone ko para icheck kung nagreply ba sa akin si Rese. Pero hindi siya nagreply, aw, di na ata ako importante sa kanila. 


"Open the door, Ica." Agad akong tumakbo papunta sa pinto para pagbuksan siya ng pinto. "I can't find any large shirts but here's my hoodie." Inabot niya sa akin ang hoodie niya at kinuha ko naman iyon. 


"Pinabanguhan mo pa to no?" Sabi ko at tumawa. 


"Huh! Natural na mabango yan!" I can smell it kahit na hawak ko lang ito, smells exactly like my Romeo. 


"Sige na! Magpapalit na ako." Tinulak ko ang pinto para masarado, nagsuot ako ng tshirt at shorts at pinatong ang hoodie. Lumabas ako at nakakita ng gwapo paglabas ko, char! Ang landi ko ngayon. 


Sumakay kami sa kotse niya. "Ano pabango mo?" Tanong ko sa kanya. 


"Bakit? Gagamitin mo? Ano? Lalaki ka na rin?" Sinimulan na niya tahakin ang daan, charot. 


"Feeler ka! Hindi, bibili lang ako para pag namimiss kita, aamuyin ko na lang. Yie! Kilig ka no!" Sinundot sundot ko ang tagiliran niya. 


"Stop it." 


"Sungit!" Sabi ko pero tinigilan ko naman na, baka mainis talaga sa akin eh. 


"Mahal mo naman." 


Humagalpak ako ng tawa, kulang na lang mawalan ako ng hininga kakatawa. "Oo nga eh! Nakakainis!" 


America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon