CHAPTER: O5

208 11 0
                                    




"How about this one?" Sabi ni Claudette, ang HR ng kompanya. Mom told me that I need to hire my own secretary. Kaya ito, ang daming files ang nakatambak dito sa lamesa ko. "I already interviewed 10 people, pero ni-reject ko rin sila. Yung iba naman, ay undergraduate at no experiences." Tumango ako sa kanya, hmm..Tama naman kasi talaga si Mama na kailangan ko ng secretary. Para ibili ako ng stik-o. Minsan kasi ay wala akong mautusan at si Amanda, secretary ni mama, siya ang inuutusan ko.




"I'll just review some files later." Sabi ko sa kanya at kinuha ang phone ko para icheck kung may nagtext or tumawag pero, wala.




"Sir, si Madam po, kailan ang balik?" Kumuha ako ng mga limang folders at ballpen.




"Tomorrow, I think?" Binuksan ko ang unang folder.





"Ah, sige po. Pakitawagan na lang po si Sir Arthur bukas, or si Madam na lang po." Sabi niya at lumabas na ng office ko. What is with sir Arthur? Were not even investing shares with them. Oh god, si Mama na ang bahala, they're close naman. Pagbukas ko ng file, agad kong tinabi ito. Nah, dont feel the applicant.




Patuloy lang ako sa pagbukas ng folders, pang-walo na ang binuksan ko pero wala pa rin talaga. Ayokong kumuha ng walang experience dahil mamaya baka tamad.




Dalawa pa lang naman ang nagiging secretary ko, yung una, mabait naman, pero sa umpisa lang masipag kaya tinanggal ko. Yung pangalawa naman, sakin lang mabait pero pag dating sa iba, mataray. Ayoko naman ng ganun. Gusto ko friendly.




Hindi ko na tinapos ang lahat ng files. Umuwi na ako dahil 8 PM na rin naman na. Pagdating ko ng bahay nakita ko ang mga tito, tita at mga pinsan ko sa dining area. Hinanap ng mga mata ko si Mama ngunit wala siya doon. "Nasan po si Mama?" Tanong ko kay tita Katrina.




"Nasa taas pa, umupo ka na at kumain." Si Tita Katrina ay kapatid ni Papa, anak niya si Rocker at Trixie. "London!" Umupo na ako sa tabi ni Rafael. "Hinahanap ka ng anak mo." Yup, London is the name of my mom.





"Not really, wala kasi siya dito. And Ma, paki-tawagan si Sir Arthur." Sabi ko at kumuha ng pinggan at pagkain.





"For what?" Nagkibit balikat ako. Ano ba'ng meron at bakit nandito lahat sila? "Ah, I think its about his daughter." Tumingin ako kay Mama at ngumiti siya sa akin. What? "Ask Claudette to give you the document. Tell her to email the file to you."




"Rafael Edelfiere!" Napatingin kaming lahat kay Tita Martina. "You're grounded for a month." Tumingin ako kay Rafael. Ano na naman kaya ang ginawa nito?




"Ma, hindi ko naman ginawa kay Haru yon." Ano daw? Haru? Sino yun?




"We'll talk later Rafael." Umiling-iling lang si Rafael. Binilisan ko ang pag-kain ko dahil gusto ko malamang ang nangyari. Concerned lang naman ako.




Kinuha ko ang phone ko at nagsend ng message kay Rafael.




To: Raf


Sino si Haru?




Nagpunta ako ng living room pagtapos kong kumain at sumunod naman sila Rafael, Rocker at Travis. "Damn that Miharu!" Dabog ni Rafael. "Nakakairita talaga yong babaeng hapon na yon!"




"Landi pa kasi, Raf. Yan tuloy." Humalakhak si Travis.




"Manahimik ka Trav."





Nag-text ako kay Claudette at sinabi na i-send sa email ko ang sinasabing document ni Mama dahil baka mamaya, importante. After 10 minutes ay may narecieve akong notification na nagsasabi na nagsend siya sa akin ng email. At yung email na yun ay nakalagay na may nag-aapply para sa secretary. At ang pangalan ng babae ay, America Perez.




This is impossible.




"I will kill that Miharu! Ginagawa niyang miserable ang buhay ko. Nakakairita siya. Sinabi sabi niya kay mama na may nangyari samin? The hell!"





America Perez, ba't naman mag-aapply ka ng secretary? May PBI kayo diba?



America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon