CHAPTER: 19

138 6 1
                                    


"Need to know what?" Sabi ko pagbukas ko ng pinto at nakita ko si Mommy at Daddy na nakaupo sa living room. Hawak ko si Lean sa kaliwang kamay at sa likod ko naman ay nakatayo si Rome. Tumingin ako kay Mommy na para ba'ng gulat na gulat na nandito na ako. Hindi sila makapagsalita pareho, "Ano po ang kailangan kong malaman?" 




I swear, hindi ko alam kung ano ang tinatago nila sa akin. At bakit kailangan nilang magtago sa akin. I looked at Lean at sinabihan ko siya na magpunta muna sa kwarto niya. Sumunod naman siya sa sinabi ko at hinawakan ni Rome ang balikat ko, "Umuwi ka na muna.." Sabi ko sa kanya pero parang hindi niya naman ako pinakinggan. "Im fine, Rome. I can handle myself." 



Hindi niya ako pinakinggan, sinundan niya si Lean sa kwarto nito. Sobrang tigas ng ulo. Bumaling ulit ako kay Mommy at Daddy. "Hindi niyo ba sasabihin sa akin?" Tumingin si Mommy kay Daddy pero si Daddy ay parang wala lang, tumayo si Mommy at lumapit sa akin. 




"It's about.. Lean." Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi ni Mommy. 




"What about him, Mom?" Hindi sumagot si Mommy, tinignan niya lang si Daddy. "Anong meron kay Lean?" Tumayo si Daddy at lumabas ng bahay, gusto ko siyang habulin pero kahit naman na habulin ko siya ay wala rin namang mangyayari. 




"Ang Daddy mo na ang magpapaliwanag sayo." Sumunod si Mommy kay Daddy sa labas. Okay, now what? Nagpunta ako sa kwarto ko at nilapag doon ang mga gamit ko. Pagkatapos nun ay nagpunta ako sa kwarto ni Lean, pagbukas ko ng pinto ay nakita kong tulog si Lean at nanunuod lang ng tv si Rome. 




"Sabi ko kasi sayo, umuwi ka na eh." Umupo ako sa tabi ni Lean at pinagmasdan siya. He looks exactly like Rome at hindi ko alam kung bakit ako lang nakakapansin nun. He looks so fragile na parang kaunting pakawala mo lang ng masasakit na salita sa kanya ay iiyak na siya kaagad. 




"You're only 11 or 12 years old.." Tumingin ako kay Rome "Nandyan na si Lean?" Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko, wala siyang alam, now he needs answers. At ang sagot na iyon ay hindi ko maibibigay sa kanya. "How old is your Mom? your Dad? Nakaya pa nila iyon?" 




"Hindi ko alam." ang tangi kong nasabi sa kanya. It's true, hindi ko alam. Wala akong alam. 




"Hindi ka ba nagtataka? I observed him while sleeping and I realized that he resembles my face." Hindi ko alam kung paano ko mailalarawan ang nararamdaman ko ngayon. Lean belongs to my Dad and his Mom. At silang dalawa lang ang pwedeng magsabi na anak nilang dalawa si Lean. Hindi ko iyon kailangan sabihin sa kanya dahil hindi ko obligasyon na magpaliwanag tungkol kay Lean. "Bakit ganoon?" 

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon