CHAPTER: 28

143 7 0
                                    

I'm going to post another book after I post Chapter 29, maybe tomorrow or the other day. No exact date. But please do read the new book that I am going to open, it took me a very long time to think of a good plot and good characters. It is going to be a book about Pandora Chesca Enderina. The story is all about destiny, fate and tragedy. Please join me again as I open another book.

--------------------

"Where are you taking me?" Tanong ko sa kanya habang kinakabit ko ang seatbelt.


Sabi nya kasi ay magdadate daw kami, hindi niya naman sinasabi kung saan. Secret daw.


"Shh! Don't worry, you're safe with me." Tumingin siya sa akin at kumindat. Tinaasan ko siya ng kilay. Parang ang bastos pakinggan nung sinabi niya?


Iba ang green minded sa open minded.


Nakatunganga lang ako buong biyahe, sa sobrang haba ng biyahe namin ay hindi na ako nakatiis pa. "Really? Saan mo ako dadalhin? Ano? Road trip tayo to Cebu?"


Tinawanan niya naman ako. "Chill, if you want to sleep, you may. Mahaba haba ang biyahe natin."


Ngumuso ako. "Saan muna tayo pupunta?"


"It's a surprise." Tumingin siya sandali at ngumiti sa akin.


Hinayaan ko na lang siya. Natulog na lang ako sa byahe dahil ang sabi niya ay mahaba ang byahe at feeling ko isang probinsya ang pupuntahan namin. May tiwala naman ako sa kanya kaya bahala na siya sa akin. Kapag naaksidente ako, alam ko naman na may pera siya, siya na bahala sa gastusin sa ospital hehe.


Isang oras ata akong natulog at kung hindi niya ako ginising ay siguro mas mahaba pa doon. "Wake up. Nandito na tayo." Yugyog niya sa akin.


Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang mukha niya. "Nasaan tayo?" Tanong ko.


Gabi na pala. Kinuha ko ang phone ko sa bag at pinailaw para tignan ang oras. It's almost dinner time.


"Zambales. Nandito tayo sa rest house namin." Ngumiti siya sa akin.


"What do you mean?" When you nod your head yes but you wanna say no what do you mean?


"Were staying here, overnight."


Kumunot ang noo ko. "Akala ko date? Bakit gagawa na tayo ng babies?"


Tumawa siya. Biro lang talaga yung sinabi ko kanina. "Magdadate tayo, I prepared a table for us! At anong sinabi mo? Gagawa ng babies? Gusto mo ba?" Tinaas baba niya ang kilay niya kaya natawa ako.


"Baliw! Binibiro lang kita." Lumabas na kami pareho ng kotse. Gabi na so I really can't see a thing. Ang nakikita ko lang ay mga puno. "Nasaan ang bahay?"


"Maglalakad pa tayo ng konti." Hinawakan niya ang kamay ko. May mga ilaw sa paligid kaya kita pa namin ang dinadaanan. Puro buhangin ang dinadaanan namin kaya naman ay sinipa ko ang buhangin papunta sa kanya. "Ica!"

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon