CHAPTER: 13

195 8 2
                                    

hii InnocentPen <3

hola! mga babes, uso mag comment. Nalulungkot ako, nawala lang ako ng ilang buwan, wala ng nagcocomment :(




Nakapasok na ako ng elevator na punong puno ng tao. Pinagsiksikan ko talaga ang sarili ko, kailangan ko makausap si Rese ngayon. Hindi ko alam ang nangyayari ngayon sa kompanya, kung bakit ang daming iniimbitahan at kung ano ano pa. Bawat tao na makasalubong ko ay binabati ako, maging dito sa elevator kahit na siksikan. "Ma'am! Sorry po kung siksikan at sobrang init pa ngayon." Sabi nung lalaki na tatanungin ka kung anong floor ka at pipindutin yung nandoon malapit sa pinto. Ano ba tawag sa kanila? 




Ngumiti na lang ako, okay lang naman sa akin. Pare-pareho naman kaming mga tao dito. "8th floor, please." Sabi ko. Hihingi rin kasi ako ng advice sa kanya, naguguluhan na rin ako hindi lang sa kompanya pero sa nararamdaman ko. Nala left already for New York last night at ngayon lang niya sinabi sa akin dahil biglaan lang daw, biglang nag-email ang Juilliard sa kanya. Pwede ko naman siyang hingian ng advice through skype or facetime pero iba pa rin talaga kapag harapan. My cousins are busy today, kaya walang tao sa bahay ngayon except sa mga maids. Hindi ko alam kung nandito ba sila ngayon dahil wala pa akong nakakasalubong kahit isa sa kanila, but that's okay. Dahil si Rese naman ang pinunta ko dito. 




Nasa tamang palapag na ako ay agad kong tinulak ang sarili ko palabas. Finally! Nakahinga na ako ng maluwag. Dumiretso ako sa opisina ni Rese. At buti na lang wala siyang meeting ngayon. "Hi my favorite cousin! Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti siya sakin. 




"May itatanong ako.."  Tumingin ako sa kanya. "Bakit ang ganda ko?" 




"Ica, pwede ka na umalis ng office ko." Umupo ako at tinignan ang bundok na paper works sa table niya. Good thing Im not working right now. 




"Im just kidding, bakit ang daming iniimbitang mga companies?" Tumingin ako sa kanya at tumingin rin siya sakin. Binaba niya ang hawak niyang ballpen at tinaas ang kilay niya. What? May mali ba sa tanong ko? 




"Hindi ba nag-explain sa iyo si tito?" Umiling ako. "May bidding na mangyayari, don't know when pa, pero kung sino ang may mataas na bid makukuha ang investments ng company, parang collab." 




"Ilang companies ang kasali sa bidding?" May kinuha siya na parang listahan at binilang ang nakasulat dito. 




"More than.. twenty. Si Fran din kasi ang nag-ayos ng listahan, although may mga nagpapasa ng mga reports, gusto pa rin ni Fran yung kilala para daw madali na." Tumango na lang ako. Kaya pala nasama ang Cruz Corp. "So, ano ba talaga pinunta mo dito huh?" Ngumiti siya sa akin at tinaas baba ang kilay niya. Bakit niya alam? 

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon