CHAPTER: 02

495 18 13
                                    

UULITIN KO PO, PREQUEL PO ITO/FLASHBACK. WALANG AMNESIA SI ROME.

-----------------------

"These are the Perez'" sabi ng emcee at isa isa ng nagpuntahan ang mga Perez sa harap. Pero isang babaeng may mahaba ang buhok ang napansin ko. Hinintay ko ang emcee na ipakilala siya. "And this is Jashmine Perez." Tinuro nung emcee yung katabi nung babaeng mahaba yung buhok. "And that is America Perez."

Nanlaki ang mata ko. She's America? Well, hindi ko siya masyadong nakita kanina. Dahil medyo malayo. "Dude, ang ganda nung America!" Bulong sakin ni Ace. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Dont tell me, you like her.."

"Woah, bakit? Is it bad? Or ikaw ang may gusto sa kanya?"

"Of course not!" Tinawanan niya ako. Binaling ko ang tingin ko sa harap at nakita ko na kinakausap ni America ang pinsan niyang lalaki. I can tell that thats Elijah. Well, yun ang sabi ng emcee kanina.

"Napaghahalataan.." Sabi ni Ace. Tinignan ko siya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nagtuloy-tuloy lang ang seminar at binigay na rin ang schedule ng activities. Ngayong araw ay wala kaming gagawin. Means, we can do whatever we want. May island hopping rin na pwedeng gawin and I guess na papayag ang mga pinsan ko.

"Let's swim!" Sabi ni Ace. Palabas na kami ng auditorium kung saan nag seminar.

Binaling ko ang tingin ko kay Travis. "Anong gusto mo gawin Trav?"

Nagkibit balikat lang siya, "Kayo bahala."

"Island hopping? Gusto mo?" Hinarangan ko si Ace para hindi na siya kumontra pa.

"Sige! Gusto ko yan!"

"Gusto ko mag swimming!!" Angal ni Ace.

"May oras naman tayong magswimming doon sa mga pupuntahan natin." Paliwanag ko sa kanya. Tumango siya at nagpunta kami sa room namin para magpalit ng damit at kumuha na rin ng ilang gamit.

Pagtapos namin mag ayos ay nagarkila kami ng bangka. May limang islands kasi sa paligid ng resort, una naming pupuntahan ang Cadugnon. Pasakay na kami ng bangka ng makita ko ang isa sa mga pinsan ni America. "Ang bagal niyo! Bilis! Excited na ako puntahan yung isla!"

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon