CHAPTER: O9

179 9 4
                                    

Ang saya saya talaga pag pov ni Ica hahaha

----------

Apparently, nakalimutan ni Dad na maguusap kami at ikinatuwa iyon ng puso ko. Kagabi ay sobrang nalasing ang mga pinsan ko pero natulog ako ng 8 pm at nagising ng 1 am. I hate jetlag! Natulog ako mga 5 am at 8 am pa lang ngayon. Ayokong tumingin sa salamin dahil mukha akong panda. Gusto kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog.

At dahil hindi na ako makatulog, bumaba na ako ng kusina. Ang mga pinsan ko ay tulog pa, siguro sobrang nahihilo at tinatamad pa bumangon.

Nagtext ako kay Nala at sinabi na pumunta siya dito. Nagluto ako ng pancake at saktong pagkatapos kong kumain ay dumating na siya. "Hi, nabobored ako." Sabi ko agad sa kanya.

"Tawagana mo ex mo!" Tumawa siya, "Diba hindi mo nasagot tawag niya?"

"Yup! Eh. Mamaya nagkamali lang siya."

"Sus. Punta tayong bgc! Diba sabi ni Crim andoon yun lagi?" Naikwento ko na rin kasi sa kanya ang sinabi ni Crim..

Pinagpalit niya ako ng damit, nagsuot lang ako ng simpleng dress at black flats dahil tinatamad akong magayos.

"Sure ka ba na nandun yun? Ang aga aga pa kaya." Inistart na niya ang kotse at nagdrive na.

"We'll wait! Text mo si Crim kung saan niya nakikita lagi," sinunod ko naman ang gusto niya, nagtext ako kay Crim at tinanong kung saan niya nakikita lagi si Rome. Mga 10 or 11 pa siguro to magrereply..

Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. Dapat ba akong kabahan o hindi? Ewan! Bahala na.

Buti na lang at medyo malapit ang bgc sa bahay at sandali lang ang byahe. 9:20 something pa lang. Wow, ayokong maghintay. Siguro uuwi kami mga 12 or 1

Kung saan saan kami pumunta ni nala, pampalipas oras. "Sa starbucks daw si Rome lagi."

"Mga 12 na tayo magpunta doon. Ikot pa tayo.." Nagpunta kami sa kung saan saang store dito sa bgc, mga 12:30 na siguro kami nakarating ng starbucks. At habang umoorder si Nala ay pinagdadasal ko na sana makita ko siya.

"Ica, oh." Inabot niya sa akin ang machiatto ko. At pagikot ko para maghanap ng upuan ay nakita ko si Rome na nakatayo sa harap ko na may babaeng nakakakapit sa braso niya. "Oh." Sabi ni Nala.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or iiyak ako sa nakikita ko. Hanggang ngayon tandang tanda ko pa din yung sinabi niya na I will be the girl that he will love forever. Nakakainis. Wala talagang forever!

"Hey, our coffee, by!" Natauhan ako nung nagsalita yung babaeng kasama niya, "excuse me? Nakaharang ka?" Sabi nung babae, ano daw? Bee? By? Baby?

"Oh. Sorry." Tumabi ako. Aalis na sana kami ni Nala nang biglang may humawak sa braso ko. Hinawakan ko ng mahigpit si Nala para hindi ako maiyak.

"Rome, bitawan mo si Ica." Sabi ni Nala at lumingon kay Rome. Hindi ako makalingon kasi baka umiyak lang ako.

"By? Kilala mo siya?" Sana bingi na lang ako.

"Yes." Gusto ko siyang sigawan at sabihin na bitawan niya ako dahil ayokong umepal sa kanilang dalawa. "Mia, pwede? Alis ka muna?"

Mia? Umalis yung babae, bakit okay lang? "Ica." Sana pwedeng irecord yung pagtawag niya sakin at gawin ringtone.. "Hey." Inikot niya ako. Pero hindi pa din ako tumingin sa kanya. His eyes, my weakness. Kaya nanatili ang mata ko sa ibang direksyon.

"Ica, Ill wait for you outside." Gusto ko sabihin na wag nya ako iwan pero hindi ako makapagsalita.

"You're back."

"Yes." Yan lang ang nasabi ko.

"Kailan pa?" Hindi talaga ako makatingin sa kanya. Natatakot ako.

"Kahapon lang." Hindi ko rin mainom ang inorder ko.

"How are you?"

"Im..." good? Im not. "Im good. Ikaw?"

Liar.

"Okay lang din,"

"Of course you are!" Natawa ako. Syempre okay ka. Okay na okay!

"What do you mean?" Pwede ba magmura?

"May girlfriend ka."

"I cannot call her my girlfriend. Not yet." Dapat pala ay hindi na ako pumunta dito.

"Oh. Sige, alis na ako. Nakakahiya kasi."

"Alright, yun pa rin number mo diba?"

"Yes. Just call me."

Meron na pala. Hindi ako aware.

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon