CHAPTER: 26

144 11 0
                                    

Kinabukasan ay binuksan ko ang email ko dahil may kailangan pa pala akong kitain. Iyong Magnolia, gusto niya na ako ang gumawa ng gown at magdesign, para raw sa isang artista ba iyon? 


Agad akong nagemail sa kanya at hindi ko alam pero mabilis talaga siyang magreply! Noong nakaraan ay mabilis rin siyang nagreply sa akin.


From: magnolia.ent@gmail.com

Good Day!

I am available for a short meeting today. I am willing to meet you at Makati Shang-rila, lunch time, 12 PM. 


Thank You & Have a nice day!

-Magnolia


Agad akong nagreply sa kanya at sinabi na payag ako. Pinailaw ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na, at 10 AM pa lang, saktong sakto para makapaghanda ako. Binuksan ko ang closet ko, actually closet ni Rese. Sa loob ng kwarto na pinatuluyan niya sa akin ay may isang closet doon at napagisipan ko na ilipat lahat ng damit ko doon. 


Mabuti na lang at may formal akong damit dito. Isa siyang fitted dress na kulay peach. Nilapag ko sa kama ang damit at naghanap ng pwede sapatos, iyong black na di tali na heels na lang ang gagamitin ko. Hinanda ko na din ang bag na gagamitin ko, cream iyon na bag, Chanel ang tatak. Nilagay ko na ang lahat ng gamit ko doon at bumaba na para kumain ng kaunti. 


Habang kumakain ako ay nagtext si Rome sa akin. Mabuti na lang at hawak ko ang phone ko kaya mabilis akong nakapagreply.


From: Romeo

Any plans for today? 



To: Romeo

Im going to Makati Shang this afternoon, I have no plans after that. Why are you asking?


Niligpit ng maid ang pinagkainan ko at nanuod muna ng tv sandali bago ako naligo. 


Pagkatapos ko maligo at magbihis ay agad kong chineck ang phone ko.


From: Romeo

Why are you going to Makati Shang? 


To: Romeo

Im meeting with someone. Can you call? I can't text you while I pick up things hehe.


Mga ilang segundo lang ay agad siyang tumawag. Nag loud speaker ako at nilagay ang phone ko sa ibabaw ng kama habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin kung okay ba ang suot ko. 


["Are you meeting with a boy?"] Natawa ako sa sinabi niya.


"Yes." Pagtitripan ko lang siya ngayon, Im in the mood! 


["Sino naman iyon at bakit makikipagkita ka? Bakit sa hotel pa? Are you cheating on me?"] Natawa ako. Para siyang babae kung makaasta! 

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon